LHAY

Phailed ang pramis ko June 14, 2009

Filed under: Araw-Araw — lhay @ 12:09 pm

After work, dumerecho ako ng Burjuman para kitain yung friend ko at iabot ang 3K dirhams bayad ng ka opisina ko para sa ticket nya. Tska sakto kasi may ATM ang Standard Chartered sa Ground Floor , makakapag widraw na rin ako ng pera kasi ala na din akong cash.

After 30 mins, nag text na yung friend ko malapit na daw sya, dahil ayoko naman magtagal, sa isip ko pag kaabot ko ng pera, uuwi na din ako kagad kaya hinanda ko na yung perang iaabot ko. Kaso nung hinahanap ko na yung pera sa bag , paking syet! Di ko makita, walang ano ano, nilabas ko lahat ng gamit sa bag ko, wala na akong pakilam sa mga tao sa paligid na nagtatakang nakatingin sa akin kung bakit bigla kong nilabas isa isa yung mga gamit ko. WAG NA SILA DAHIL DI NAMAN NILA BAG YUNG HINAHALUNGKAT KO.

Kaso wala talaga yung pera, biglang may nag flash sa utak ko, parang nung pagkababa ko ng service kanina, saktong hinugot ko yung iPhone kong depekto nun para tawagan yung kaibigan ko at ipaalam sa kanya na dumating na nga ako tapos parang may nahulog or something na di ko mawari, kaso di ko na pinansin nun kaya dumercho na ako sa loob.

Binalik ko kagad yung mga gamit sa bag, di ko na sinara sabay takbo palabas ng mall para puntahan yung lugar na alam kong pinag hulugan nung pera. Taragis! Ang daming tao, tska mag iisang oras ng nawawala yung pera mukhang malabo ng makuha ko ulit yun.

Nanlumo ako habang naglalakad ng nakayuko at patingin tingin sa paligid baka sakaling mag milagro at makita ko pa yung pera. Sabi ko pa sa sarili ko “Pramis Jesas, makita ko lang yung pera, buong araw bukas magpapakabait ako”

 

Biglang may 3 babaeng lumapit sa akin, ito ang naging paguusap namin:

Unang babae:           Ms. Ganda, anong hinahanap mo?

Ako:           Ahmm nawawala kasi yung pera ko, nahulog ko po ata.

Pangalawang babae:           Magkano?

Ako:           3,000 Dirhams  

Ikatlong babae:           Ito ba yun Ms. Sexy? *sabay abot ng 3K na naka clip*

Ako:           Ito nga yun , naku salamat po sa inyo.

Ikatlong babae:           Buti bumalik ka, kasi paalis na kami, mag iisang oras na  kasi kaming nag hihintay dito, nag-aabang kami baka sakaling bumalik nga yung taong nakahulog ng pera.

Ako:           Salamat po talaga. Buti nag tyaga kaung naghintay kasi medyo late na nung mapansin kong nawawala pala eh.

Unang babae:           Ayos lang, mag ingat ka na lang sa susunod, mauna na din kami.

Ako:           Sige salamat po ulit sa inyo.

(Yan talaga ang aktwal na paguusap namin, tanggalin mo lang yung Ganda at Sexy, kasi Ms. lang talaga yung tawag nila sa akin nun)

 

Pag kaalis nung 3 mababait na babae, sabay dating ng kaibigan ko at iniabot ko kagad yung pera sa kanya. Nakwentu ko din yung nangyari kaso nagmamadali na ako kaya di rin nagtagal yung naging pag uusap namin.

Ngaung umaga, habang nasa byahe papasok, naalala ko yung naipangako ko kay Jesas. Para matupad ko yun klangan di muna ako mag bubukas ng plurk. Kaso di ko rin nakayanan, sabi ko sisilip lang ako, pramis, silip lang talaga. Kaso mali ang naging hakbang at desisyon ko. May isang plurk na bumungad agad sa akin at nagpasira agad ng araw ko and the rest is history.

…patawad po, bawi na lang ako bukas. PRAMIS!

 

Bagong Chupet May 24, 2009

Filed under: Araw-Araw, Kahit Ano lang, Kasalukuyan — lhay @ 12:06 pm

For 5 years, inalagaan ko talaga ang mahabang hair ko, kung nakita nyo na ako or ung mga pikturs ko sa FS at Multiply lahat yun mahahaba hair ko aside from the fact na hindi talaga ako nawawalan ng bangs, pinanganak na akong may bangs, hindi ako ito kung wala akong bangs. Mauso or malaos ang bangs sa mundo, anjan pa rin ung akin, di na mawawala yun.

For 2 weeks, almost 12 hours akong nag we-werk eh paano ang daming trabaho, kung labing lima kami dati, 3 na lang kami ngaun, meaning bawat isa sa amin 5 ang katumbas ng ginagawa, buti kung ganun talaga eh parang ung sa part ko 7 ata na ung katumbas eh, tapos tinanggal pa ng mga bwakanang inang IT namin ung Plurk ko sa werk dahil sa mga taong inggiterra at walang magawa sa buhay, yun na lang tanging libangan ko nawala pa, pero gagawan ko ng paraan yan, di puhwedeng hindi basta makaluwag luwag sa werk,  isa pa, hindi pa ako natuloy mag bakasyon ,MAG ISA lang ako ngaun at marami pang ibang pangyayari ang mga naranasan ko nitong nakaraang mga araw, halos lahat dun puro problema.

Kahapon naisip kong lumiban ngaung araw na ito kasi wala pa akong pahinga, as in  walang pahinga talaga ha? Gusto ko ung pahingang walang ginagawa, nakahilata lang habang nag i-internatz. Pag kagising ko kaninang umaga, out of nowhere naisipan kong mag pagupit ng buhok, ung medyo maikli, naisip ko kasi aksyado sa shampoo ang mahaba ang buhok, ang hirap mag patuyo ng buhok sa umaga bago pumasok , klangan kong mag set ng at least 30mins-1 hr para lang patuyuin ung buhok ko, isa pa Tag-Init na ngaun sa Dubai, kaya wala ng ano ano pa, nag pagupit na nga ako.

Lhay1Misteryosa Pose

lhay2

ahmm, wala lang

Lhay5

bahuu..

Ito ang tanong ko sa inyo, bagay ba sa akin ang bagong

new hairstyle ko?

 

 

Protected: 3 Araw na lang May 4, 2009

Filed under: Araw-Araw, Hinaharap, Kahit Ano lang — lhay @ 6:39 pm

This post is password protected. To view it please enter your password below:


 

No. 1 Plurker in UAE April 13, 2009

Filed under: 1, Araw-Araw — lhay @ 6:26 pm

Sino ako?

Ako lang naman ang No. 1 Plurker dito sa UAE.

Alam mo ba kung bakit?

Pwes ito lang naman:


edit plurk page

100 na ang Karma ko!!!!

Paano ko nalaman na No. 1 ako?

Well, Pindutin mo ito>>> CLICK!

Type mo sa box “UNITED ARAB EMIRATES” ,

sort by Karma, then click Search.

Whoa-lah!

search

Syempre gusto ko magpasalamat kay Plurk Buddy for making my life meaningful….

plurkbuddy

Wanna know my secret?

Add me and follow my timeline on Plurk…

WEENAR!!!

 

Tong-Tong Pakitong-kitong March 26, 2009

Filed under: Araw-Araw, Kasalukuyan — lhay @ 5:15 pm

69…Sikisti Nayn…Animnaputsyam!!!! 2232

Wag madumi ang isip ha? Yan lang naman ang bilang ng araw mula nung huli kong entry, pasensya na kasi inamag, natigang lolz parang si ana lang, at inagiw ang blog ko, eh sa tinatamad ako mag entry eh wehth_smoke… kungdi pa dahil sa mga taong laging nagpapaalala sa akin na may blog pa pala ako eh malamang nakalimutan ko na talaga ng tuluyan, aktwali bisi lang po sa sobrang dami ng activities ko, tska medyo windang lang ako sa mga pangyayaring naganap nitong mga nakaraang buwan sa mundo ng internet at sa kumpanyang kinabibilangan ng mga kaibigan ko. th_noti

Nway tama na ang intro, dahil tamad pa rin ako gumawa ng entry, na isip ko lang ang ka-astigan ni Glesy the Great, sa madaling salita, nagpagawa ako ng entry sa kanya, OO na po, madaya po ako, pero dahil magaling talaga si Glesy The Great, Impromptu or On the Spot ginawan nya ako ng entry na nabuo lamang sa loob ng 1 oras sa pag uusap namin sa YM! Ang galing ano po? Sinabi ko lang po sa kanya kung ano ang gusto kong ipagawa na entry at ito ay tungkol sa CRAB MENTALITY!th_gossip

crab1

Ako po si Glesy the Great… eto kasing si lhay may pagkatsonggo ang kulit.. alam na ngang sms sa ym eh ginugulo pa ako para magpost sa blog nya… good timing dahil najejerbaks na ako nung humihingi siya ng favor kaya napadali ang pilitan blues namin… first time kong mag-impromptu post via ym.. kaya nung inedit ko to di ko alam kung anong itsura… kung meron mang matatamaan, eh di mabuti… yun nga ang gusto ko… cheers;p

Ano bang alam natin sa crab mentality… sus kung di ko pa naging subject yan sa school, wla pa akong pakialam kung ano yan… hindi dahil favorite subject ko ang GMRC, kaya ko natutunan ang crab mentality… yun eh dahil ang teacher ko eh parang may inalimangong nakaraan… kahit di ako nakikinig sa pinagsasasabi nya eh bigla na lang akong nagulat ng biglang buong poot at maka-almoranas na galit ang ipinahayag nya about crab mentality… kulang na lang sabihin nyang dapat eh i-garote pagkatapos sunugin ang mga taong mapanglamang… well, nung mga time na yun di ko alam kung anong ibig sabihin ng crab mentality bukod sa kantang tong-tong-tong-tong pakitong-kitong at masarap isawsaw sa kalamansi eh question mark na ang utak ko kung anong sabi ng wikipedia tungkol dun… kaya isipin nyo na lang kung gaano ako naguluhan kung bakit siya galit sa alimango… eh mahilig ako nun… mamaya ibagsak nya ako… tapos natakot na ako para sa health niya.. parang pag nagtagal pa ang maka-faith healer na pananawagan sa poong maykapal eh bigla na lang siyang mangisay sa harapan namin.. tanda ng pagsapi kuno ng mga kaluluwang dati ay naapi… at ayun.. nagsimula ko ng nalaman kung ano ang crab mentality… bukod sa masama siya sa lipunan eh masama rin siya sa mga taong mataas ang cholesterol at nasa lahi ang alta sa presyon…

uulitin ko para mejo makulit… ano bang alam ng mga pinoy sa crab mentality?… kung pinoy ka alam kong alam mo yun at wag ka ng tumanggi… nasa kaibuturan yun ng sumpang noli af el fili, juan tamad, si pagong at si matsing… isama na rin natin ang the adventures of lola basyang… at ang lahing pinoy lang ata ang may pinakamaraming pHD pag dating sa crab mentality kaya madami tayong titser na internationally competitive… bakit internationally? come on… parang di naman natin alam na maraming high caliber-primera klase professionals ang parang bigas na sinabog sa buong mundo… white o blue collar man yan… tandaan mo, kahit ata uncharted territory eh may pinoy na nakatira jan…

at kung meron mang mga group of individuals na maraming urban legend pag dating sa kwentong crab mentality na talaga namang sisipitin ka sa dami… yun na ata ang mga taong nagsahimpapawid at lumanding sa lupang malayo pa roon… in short ang mga OFW… at kaya naman ako nandito sa blog ng mahalay na tao eh para maparating ang fungi na matagal ng nakatira sa hadhad ng mga taong abot kisame ang ihi sa sobrang pagiging mapangmataas… hindi ko alam kung kaninong inuming tubig ang may problema.. ang tubig sa ibang bansa o ang tubig na may halong tubig canal dito sa pinas.. na kung bakit pagtuntong sa ibang bansa eh talo-talo na kahit pare-parehas tayong apo ni juan delacruz… hindi na kasi survival of the fittest ang laban eh… ang labanan na eh survival of the most swapang.. survival of the most buwaya na malumot-lumot… survival of the pinaka-sementadong kapal ng mukha… multiple choice ang tanong… at huwag ka ng mag-isip kasi all of the above ang sagot…

kung tinatanong mo kung masaya ba ang mga tiyanak na anak ni janice na ito sa mga ginagawa nila sa kapwa pinoy… siguro oo… dahil bukod sa makapal ang mukha nila, mas matindi pa ang mga taong eto kesa sa na-noverdose ng anesthesia sa sobrang manhid… kung sa normal na tao eh comatose na sa hiya… sila ang mga taong endangered species ang level ng talab ng kahihiyan…

ikaw!!! Oo ikaw… kunwari ka pang normal pa ang init ng katawan mo, lobo ng baga mo, tibok ng puso mo, at taas ng BP mo… kung hanggang ngayon eh may epekto pa rin ang anesthesia na tinurok sa nanay mo na napasa ata sayo nung ipinanganak ka… eh malamang panahon na para magising-gising ka hanggang di ka pa tinatalupan ng buhay ng mga kababayan mo… isipin mo na lang na sila rin may pamilya at di lang ang angkan mo ang kelangan ng pang-tuition at pang sahog sa laway para mabuhay… isipin mo na lang na habang ikaw ay halos mahubuan na ng salawal sa sobrang pagpapaimpress sa boss nyo eh ang mga kababayan mo naman ang nahubaran ng pagkakabuhayan…

masyado na bang mahaba ang iisipin mo at mejo nabibigatan na ang makitid mong utak… well sorry dadagdagan ko pa yan…

isipin mo na lang na masakit ang latigo ng karma… matakot ka na… hindi ito pagbabanta na may halong plano ng massacre… dahil sigurado kahit ikaw naisip mong mali ang ginawa mo… at kung hindi mo man naisip yun… anak ng… ilang beses ka bang pinanganak ng nanay mo? cheers;p-glesy the great… bow

applasue*applause* worship*worship* … Ang galing ng pagkakagawa, naayon sa kagustuhan kong kalabasan… Kahit puro “OO” at ” Cge Lang” ang nasabi ko Kay Glesy sa YM,  derederecho pa rin sya ng sulat kahit ang daming umeepal sa amin, nabuo ang isang magandang entry.  Salamat Glesy the Great… cheers!cheers

Bato bato sa langit, tamaan wag magagalit at ang pikon ay laging talo…kaya bang! bang! bang! sayo!th_riflefk9

 

Guhit Part 2 /Sa wakas nagkaroon din ng entry/kauna-unahang hirit sa 2009/ Karugtong ng Guhit/may masabi lang (drinking) January 17, 2009

Filed under: Araw-Araw, Kahit Ano lang — lhay @ 9:57 am

Pagkakataon nga naman eh noh? Kahit klan hindi kumampi sa akin, kaninang umaga kung klan nilubayan ako ng katamaran at handa na ako gumawa ng aking kauna-unahang entry para sa taong ito tska naman nagloko ang internet koneksyon ko.(Buhooooooooooooooo Etisalat! Luhoooooooooser ka) Napakabait ng panahon sa akin. Parang ayaw akong pagbigyan sa mga gusto kong gawin.

 

Maiba ang usapan, dahil sa galing at husay ni Libay sa kanyang mga paintings and sketch na inilabas nya sa kanyang exhibit blog , nagkaroon ako ng inspirasyon na sundan ang kanyang yapak (naks! Sipain kita jan eh) , kaya ito na ang aking Guhit Part 2 para sa mga taong nagpahayag ng interes sa aking mapang-utong saloobin, hinahandog ko ito para sa inyo, pag pasensyahan niyo na hindi kagalingan eh:

(more…)

 

Pahabol December 31, 2008

Filed under: Kahit Ano lang — lhay @ 12:48 pm

Happy New Year!!! bow!

 

Guhit December 3, 2008

Filed under: Araw-Araw, Dagdag Impormasyon — lhay @ 12:25 pm

Noong bata pa ako , hindi ako mahilig sa arts.. tandang tanda ko pa, stick lang ang mga tao ko, pati hayop , puno at halaman stick lang, nag lalagay ako ng kulay ng lagpas lagpas, kinukulayan ng pula ang bahay, dilaw ang dagat, asul ang araw, at berde ang kalangitan…

Lumaki akong magaling gumuhit ang kuya at ate ko pati na rin ang mga pinsan ko.. Kapag may klangang i-guhit na project, wlang kahirap hirap sa kanila…

Minsan isang araw nagising na lang ako na nagtatanong sa sarili ko, bakit ganun? Ang ate at kuya ko magaling mag drawing? Samantalang ako hindi? Dumating sa punto na nakita ko ang sarili kong nag-aaral gumuhit. Tumuntong ako ng hiskul at laking saya ko ng may Elective Subject ako, dito tinuturan kami gumuhit mga basics and mga plates. Seryoso ako at matataas ang mga nakukuka kong marka.

Minsan nailapitan ko ang Prof ko sa Elective at sa kanya ako humingi ng payo. Matyaga si prof sa pagtuturo sa akin, sabi pa nya.. mabilis akong matuto. Lahat ng mga ginuguhit ko pinapakita ko sa kanya. Tinuruan nya ako ng mga teknik, isa na dito ang pag lagay ng pattern na pari-parisukat:

pattern2

Mas madaling gumuhit kpag may ganyang pattern, mas masusundan mo ng maiigi ang mga detalye…

Minsan sinubukang kong gumuhit ng walang pattern, ang pangit ng kinalabasan, pero mapag tyatyagaan na rin kaya simula nun kpag may gusto akong iguhit, di pwede ang walang pattern.

Dati di rin ako marunong gumuhit ng mukha, nagpaturo lang din ako. Lahat ng bagay sa pag guhit pinag aralan ko lang at dahil na rin siguro sa pursigido ako at  matyaga. Dumating sa point na yung iba kong mga kaibigan ay nagpapaguhit na rin sa akin, ang sarap sa pakiramdam lalo na at nakikita nila at nasisiyahan sa mga bagay na iginuhit mo. Para bang sinasabi mo sa sarili mo na tama nga at pinag aralan mong gumuhit. Madami na rin pala akong nakolektang drawings at ang iba sa mga ito ay makikita nyo dito.

Simula ng dumating ako dito sa Dubai, hindi na rin ako masyado nakaka pag drawing. Dinala ko pa naman dito ang mga gamit ko. Pag wala pa naman ako sa mood mag drawing di talaga ako gumuguhit pero last week dahil sa mga pang yayari sa loob at labas ng bahay. Ginuhit ko ang mga naging kaibigan ko sa mundo ng Plurk:(pasensya na kayo, wala akong scanner kaya piniktyuran ko na lng)

mumu

Mumu

ana

Ana_banana

boobsy

b00bsy

dose

Kimchii/Wasabi/Watever

jen

Jen

potpot1

Potpot

libay

Libay

Sa panahon natin ngaun kayang kaya na ng teknolohiya ang gumawa ng ganyan gamit lamang ang mga ispesyal na programmes or software. Ilang pindot lang sa keyboard at voila, may drawings ka na. Nakakaawa ung mga kilala ko na sa tanging pag guhit lamang ang ibunubuhay sa pamilya, bumaba ang kita nila dahil sa mga nag susulputang bagong teknolohiya.

Wag sana kayo magalit kung kumuha ako ng mga piktyur niyo sa inyong mga FS account. Tanging si Ana lamang ang nasabihan ko tungkol sa bagay na ito. Wala sana pupuri or manlalait. Dahil kahit kayo kung tyatyagain niyo lang, kayang kaya nyo din gawin yan at baka nga mas maganda pa eh, basta sasamahan lang ng sipag at tyaga, lahat ng bagay KAYA!!!

 

Salamat na din November 28, 2008

Filed under: Kasalukuyan — lhay @ 11:36 am

captionit140415i826d36

Maraming Salamat sa Chocolate, pinapataba mo ako masyado, request ko sa susunod na bigay mo yung dark chocolate naman ha…

captionit135516i533d30

Maraming Salamat din sa Skittles, alam mong favorite ko sya pero sana sinamahan no na din ng jelly beans at gummy bears…

captionit131353i579d371

Maraming Salamat sa pendant, pero sana di mo na lang inukit yung namesung ko , balak ko kasi syang ibigay sa kaibigan ko eh…

captionit134440i983d38

At Maraming salamat sa ring, pero nakita ko may tatak na 92.5 Silver from Italy, hinihintay ko yung white gold na ibibigay mo, asahan ko yon…

**Take Note: PIKTYUR LANG ANG LAHAT NG YAN, hindi pa sya totoo**

 

Ang huling 12 litrato November 15, 2008

Filed under: Kahit Ano lang — lhay @ 11:48 am

Mahilig akong kumuha ng litrato pero di ibig sabihin nun magaling na akong kumuha. Minsan gamit ko ang aking Olympus 795 SW, 1.5 m Shock + 10 meters waterproof + 100 kgf Crush Proof Digicam …lalo na kapag ang pupuntahan ko ay mga beach.

 pic12

 

 

Minsan naman ang aking iPhone 3G 16 GB… madalas gamit ko ito sa mga gimik.

 

pic14

 

 

Pero ito talaga ang aking buddy, si Samsung SGH-F210, maka-masa dahil maliit lang 87.38 x 20.5 mm lang size nya, very handy , super gaan (72 grams) at saktong sakto sa kamay ko…dala-dala ko sya saan man ako pumunta…

 

 sam

 

pic13

 

  – Swivel Design

  - Dual Interface (Music Player UI / Normal Phone UI

  – 262144 Colour TFT Screen (128 x 220)

  - Music Player (MP3 / AAC / AAC+ / WMA)

  – WMDRM / OMA DRM v1.0 / Background Music Play)

  - Music Library / Equalizer / Music Setting Wizard / ID3 Tag

  - Click Wheel Navigation

  - 2 Megapixel Camera (2x Zoom)

  - Internal Memory: 1GB Nand Flash

  - External Memory: microSD Slot (up to 2GB)

  – Tri-band / EDGE / GPRS

  – Windows Media Player 10 Compatible

  – FM Radio with RDS

  – Bluetooth v2.0 EDR / USB 2.0

  – Music Recognition

  – MMS / JAVA / WAP 2.0

  – Video Recording & Messaging

  – Dimensions : 87.8 x 31 x 20.5 mm
  - Necklace Earphone in box
  - Weight : 72 gms.

  – Battery : 750 mAH
  – Talk Time : up to 3.3 hrs.
  – Standby Time : up to 265 hrs.
  – Playing MP3 on off-line mode : up to 18 hrs.

 

Dahil siya ang madalas kong kasama, basta’t may pagkakataon sya ang gamit ko sa pagkuha ng mga kung ano ano sa paligid, ito ang mga huling 12 litrato na nakuhanan ko gamit ang aking Samsung SGH-F210:

1. USOK – di ko alam kung bakit ko kinuhanan itong usok na ito mula sa bunganga nung balahura kong kaibigan. Nagbabakasakaling maka buo ng hugis barko mula sa usok ng sigarilyo. Watta talent.

 1

 

2. STAGE SA CHIKKA GRILL DUBAI– Natuwa kasi ako dun sa Philippine Flag sa background nung stage, kaya natuwa akong kuhanan. Astig ng Pinoy Band na nag peperform dyan that time, kalimutan ko lang yung name. Kinakanta nila ang LOW-LOW-LOW-LOW-LOW-LOW-LOW nung kinuhanan ko yan.

2

 

3. HEINEKEN – Yan ang ininom ko sa CHIKKA GRILL DUBAI, libre yan kasi kilala ko yung naka-assign na bar tender…kung sinuswerte ka nga naman… whew!

       3

 

4. SISIG – Syempre mawawala ba ang pulutan sa inuman??? (Puta… patayan na lang oh?) Pero hindi na yan libre ha, may bayad na, Napakasarap ng sisig na yan…promise!

 4

5. CAKE & MALBORO – CHECKERS Dubai, Yung cake akin, pero yung Malboro Lights sa kanila. Eat and Drink all you can dyan.

 5

6. VEGGIE SALAD – CHECKERS Dubai pa rin, ummm appetizer ko sana yan eh kaso mas ginawa ko syang pulutan…

 6

7. ISDA SA AQUARUIM – Obyus naman eh kaso natuwa lang ako sa isda ni Kuya kasi di ko namamalayan ang laki na pala, dati kasi sinlaki lang ng sapsap eh ngayun mala tilapia na ang laki. Ayos ito kapag walang ulam, mai-prito…

 7

8. FRIED NOODLES – INDO MIE ang tatak, Indonesian Noodles, sinlasa lang sya ng Lucky Me pancit canton pero mas masarap, makikita niyo sya sa mga suking tindahang nagkalat sa kanto ng UAE. Hinaluan ko sya ng 2 Itlog kaso sa nakikita nyo sa litrato 3 ang pula. Kaya kinuhanan ko.

 8

9. FRIED NOODLES 2 – CLOSE UP, kasi para maka siguro ako na tama ang aking nakikita, kinuhanan ko pa sya ng isang beses yung mas malapit sa cam. 3 talaga yung pulang itlog, ang galing.. yung isang itlog kasi kambal ang laman…

 91

10. SI MING-MING – Alaga kong laruan na daga.. Malikot yan at makulit kung saan saan pumupunta at nagsusuot, minsan nangangapit bahay pa at kinabukasan pa bago bumalik sa akin.

 10

11. SI MING-MING 2 – Sya ulet, tignan mo nga naman itong si ming-ming, papampam, kinuhanan ko sya sa dati kong trabaho habang bisi ako sa pag plu-plurk este sa pag gawa ng report, ayan sya at nagpapapansin..tsk…

11 

 

 

 

 

12. B1 & B2 – Finale, ewan ko kung anong nangyare kay B1 At B2, nagbugbugan ata or nag dive sa langis kaya yan ang napala, buti nga.

12