LHAY

Guhit December 3, 2008

Filed under: Araw-Araw, Dagdag Impormasyon — lhay @ 12:25 pm

Noong bata pa ako , hindi ako mahilig sa arts.. tandang tanda ko pa, stick lang ang mga tao ko, pati hayop , puno at halaman stick lang, nag lalagay ako ng kulay ng lagpas lagpas, kinukulayan ng pula ang bahay, dilaw ang dagat, asul ang araw, at berde ang kalangitan…

Lumaki akong magaling gumuhit ang kuya at ate ko pati na rin ang mga pinsan ko.. Kapag may klangang i-guhit na project, wlang kahirap hirap sa kanila…

Minsan isang araw nagising na lang ako na nagtatanong sa sarili ko, bakit ganun? Ang ate at kuya ko magaling mag drawing? Samantalang ako hindi? Dumating sa punto na nakita ko ang sarili kong nag-aaral gumuhit. Tumuntong ako ng hiskul at laking saya ko ng may Elective Subject ako, dito tinuturan kami gumuhit mga basics and mga plates. Seryoso ako at matataas ang mga nakukuka kong marka.

Minsan nailapitan ko ang Prof ko sa Elective at sa kanya ako humingi ng payo. Matyaga si prof sa pagtuturo sa akin, sabi pa nya.. mabilis akong matuto. Lahat ng mga ginuguhit ko pinapakita ko sa kanya. Tinuruan nya ako ng mga teknik, isa na dito ang pag lagay ng pattern na pari-parisukat:

pattern2

Mas madaling gumuhit kpag may ganyang pattern, mas masusundan mo ng maiigi ang mga detalye…

Minsan sinubukang kong gumuhit ng walang pattern, ang pangit ng kinalabasan, pero mapag tyatyagaan na rin kaya simula nun kpag may gusto akong iguhit, di pwede ang walang pattern.

Dati di rin ako marunong gumuhit ng mukha, nagpaturo lang din ako. Lahat ng bagay sa pag guhit pinag aralan ko lang at dahil na rin siguro sa pursigido ako at  matyaga. Dumating sa point na yung iba kong mga kaibigan ay nagpapaguhit na rin sa akin, ang sarap sa pakiramdam lalo na at nakikita nila at nasisiyahan sa mga bagay na iginuhit mo. Para bang sinasabi mo sa sarili mo na tama nga at pinag aralan mong gumuhit. Madami na rin pala akong nakolektang drawings at ang iba sa mga ito ay makikita nyo dito.

Simula ng dumating ako dito sa Dubai, hindi na rin ako masyado nakaka pag drawing. Dinala ko pa naman dito ang mga gamit ko. Pag wala pa naman ako sa mood mag drawing di talaga ako gumuguhit pero last week dahil sa mga pang yayari sa loob at labas ng bahay. Ginuhit ko ang mga naging kaibigan ko sa mundo ng Plurk:(pasensya na kayo, wala akong scanner kaya piniktyuran ko na lng)

mumu

Mumu

ana

Ana_banana

boobsy

b00bsy

dose

Kimchii/Wasabi/Watever

jen

Jen

potpot1

Potpot

libay

Libay

Sa panahon natin ngaun kayang kaya na ng teknolohiya ang gumawa ng ganyan gamit lamang ang mga ispesyal na programmes or software. Ilang pindot lang sa keyboard at voila, may drawings ka na. Nakakaawa ung mga kilala ko na sa tanging pag guhit lamang ang ibunubuhay sa pamilya, bumaba ang kita nila dahil sa mga nag susulputang bagong teknolohiya.

Wag sana kayo magalit kung kumuha ako ng mga piktyur niyo sa inyong mga FS account. Tanging si Ana lamang ang nasabihan ko tungkol sa bagay na ito. Wala sana pupuri or manlalait. Dahil kahit kayo kung tyatyagain niyo lang, kayang kaya nyo din gawin yan at baka nga mas maganda pa eh, basta sasamahan lang ng sipag at tyaga, lahat ng bagay KAYA!!!

 

29 Responses to “Guhit”

  1. khzr4u Says:

    wow lhay ang galing ng kamay mo sa pag-guhit he!he!he!lalo na ung kuha ni ana.. :)

  2. burinj Says:

    kaya pala abalang abala si lhay…galeng2x! thanks ulit! labyu! :wink:

  3. potsquared Says:

    wow! napakahusay mo talaga sa pag guhit lhay.. hindi ka lang mahalhay.. mahushay pa!

  4. libay Says:

    o diba wala kahirap hirap iguhit yung mata ko… kasi isang guhit lang …

    gleng gleng naman ni Lhay…. ke halay… i mean ke husay…

    ps. pa email huh.

  5. anakngpiso Says:

    aba… ang galing naman.. di ko alam na may pagkatalentado ka pala.. kala ko sa plurk ka lang magaling eh.. ahehe… hoy idrawing mo rin yung palaka ko!!!!

    cheers? cheers!!!!!!!

  6. joycee Says:

    galeng galeng.. ay bawal pala purihin.. tinry ko din pero hinde ko talaga kaya eh, sa panaginip nalang. keep it up! :)

  7. visyel Says:

    hahaha waw galing.. :D

  8. b00bsy Says:

    uy galing ah. naextra pa ako. kaso parang diko kamukha… hehehe…

  9. Angel/kimchi Says:

    oh my ggawwwdddd i love you Lhay!!11 waahh!! Sweet.. awwww

  10. mumu Says:

    aba mahirap din mag sketch ahh.. good job lhay impressed ako! it takes time and patience para magawa mo lahat yan kaya apir!

  11. Angel/kimchi Says:

    seryoso.. thank you Lhay!! mwah mwah! ikaw lang kauna-unahan na ni-drawing ako.. :D

  12. A Z R A E L Says:

    si mumu, talagang nagmukhang mumu

    si ana, super emphasis sa bangaw

    si boobsy ang laki ng ngipin, parang t-rex na babae

    si dose, nagmukhang onse

    si esem, laki ng eyebags parang gabi gabing may pumupuyat (lols)

    si pot, mukhang teroristang bagong gupit

    si libay, mukhang mangkukulam na tsekwa

    sorry sa okray ha. wala kasi ako eh…

    BOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!

  13. [...] salamat sa pag share ng Guhit mo. Wala ka man sa pictures sa itaas bida ka naman sa previous post [...]

  14. [...] salamat sa pag share ng Guhit mo. Wala ka man sa pictures sa itaas bida ka naman sa previous post [...]

  15. issey Says:

    wahahahaha nang okray si Az seloso, ako din kaya okrayin ko din wala din kase ako,…
    kaya ko din yan lhay pero lahat kayo mag mumukhang stick pag ako nag drawing

  16. ana_banana Says:

    Ang galing ni Lhay… may talent! natapos mo rin ang Obra mo pwede mo ng Isali sa Exhibit yan, cgurado maraming bibili(los). kuhang kuha mo yung bangaw ko… he.he.he. Thanks Lhay! BOoooooooo……

  17. this is cool! mahusay ka pala!

  18. bittersweetbliss28 Says:

    kanyang kanyang talent tlga yan,at bilang frustrated artiste (din ako), isang applause para seo lhay…at least hindi ka puro kahalayan lng..lols…. gagaling ka pa….ako hindi sanay na sunud sunod na puro mukha ang ginuguhit ehh… kelangan mei agwat ng oras ng pagguhit…at bilib ako sa pagtyaga mo mandekwat ng mga pics nila… hahahahaha…. keep it up gerl…

  19. ang galing galing mo naman lhay…. ako din hihi..

    mahilig akong mag drawing.. kaya lang yun pag drawing walang hilig sa akin..

    mahilig akong gumuhit ng mukha .. pero imagination ko lang,,,, =)

  20. AYUS pareho pala tayong mahilig sa ART woheiheihiehie nakakita nanaman ako ng bago WOOOOOOOOOOOOO toink

    visit my blog !!!

    http://jex009.blog.friendster.com

  21. Helena Says:

    syete! sister ang galing mo naman, pangarap ko yan bukod sa pag-aalaga ng mga hayup este hayop. Kaya yata ako bumagsak ng entrance exam ng medisina dahil hindi nagustuhan ang drawing kong babae, bahay at puno. :(

  22. glesy the great Says:

    sa may bahay ang aming bati merry xmas na malwalhati!!! Mamamasko po!!!!!

    wala munang diet-diet.. let go and let’s eat!!!!
    wala munang galit-galit… forgive and forget!!!!
    wala munang malungkot… sit back, relax and enjoy..

    dahil Birthday ni Papa Jesus!!!

    HAPPY BIRTHDAY BJ (baby jesus)!!!
    cheers;p-glesy the great

  23. joan Says:

    ..at dahil sa comment ni azrael, nagpapasalamat na rin ako na di ako nasali!.. lolz

  24. bojoy2001 Says:

    at bakit wala din ako? hhmmpp??hindi ako love ni Lhay! pero kahit hindi mu ko love..love pa din kita…hehehe..galing galing naman..handful of talent talaga tong si MAHALhay! hehe
    Keep it Up dear!

  25. kulot Says:

    baka naman pwede mo kami ihabol ni Azrael na idrawing para sa aming 2 lang hehehehe

  26. hi lhay
    =)
    wala bang bago jan?

  27. Pepper Says:

    yan ang isa sa mga frustrations ko sa buhay.. sa tanda kong to, stickman pa rin ang alam kong idrawing hehe.. you are good!

    Aktwali miss pepper frustrations ko din dati yan at stickman lang din ang alam ko idrawing…………………………….dati…. tenshuuu

  28. brotherutoy Says:

    napadaan lang. ang galing mong magdrowing! ang mukha kasi ang isa sa mga pinakamahirap idrowing. pero parang sisiw lang sayo. ang galing!
    God bless!

    salamat po at naligaw kayo dito, tska ndi po ako magaling magdrawing, tska hindi sisiw yan, mahirap nga po eh…pero tenshuu na rin po…


Leave a Reply