LHAY

Tong-Tong Pakitong-kitong March 26, 2009

Filed under: Araw-Araw, Kasalukuyan — lhay @ 5:15 pm

69…Sikisti Nayn…Animnaputsyam!!!! 2232

Wag madumi ang isip ha? Yan lang naman ang bilang ng araw mula nung huli kong entry, pasensya na kasi inamag, natigang lolz parang si ana lang, at inagiw ang blog ko, eh sa tinatamad ako mag entry eh wehth_smoke… kungdi pa dahil sa mga taong laging nagpapaalala sa akin na may blog pa pala ako eh malamang nakalimutan ko na talaga ng tuluyan, aktwali bisi lang po sa sobrang dami ng activities ko, tska medyo windang lang ako sa mga pangyayaring naganap nitong mga nakaraang buwan sa mundo ng internet at sa kumpanyang kinabibilangan ng mga kaibigan ko. th_noti

Nway tama na ang intro, dahil tamad pa rin ako gumawa ng entry, na isip ko lang ang ka-astigan ni Glesy the Great, sa madaling salita, nagpagawa ako ng entry sa kanya, OO na po, madaya po ako, pero dahil magaling talaga si Glesy The Great, Impromptu or On the Spot ginawan nya ako ng entry na nabuo lamang sa loob ng 1 oras sa pag uusap namin sa YM! Ang galing ano po? Sinabi ko lang po sa kanya kung ano ang gusto kong ipagawa na entry at ito ay tungkol sa CRAB MENTALITY!th_gossip

crab1

Ako po si Glesy the Great… eto kasing si lhay may pagkatsonggo ang kulit.. alam na ngang sms sa ym eh ginugulo pa ako para magpost sa blog nya… good timing dahil najejerbaks na ako nung humihingi siya ng favor kaya napadali ang pilitan blues namin… first time kong mag-impromptu post via ym.. kaya nung inedit ko to di ko alam kung anong itsura… kung meron mang matatamaan, eh di mabuti… yun nga ang gusto ko… cheers;p

Ano bang alam natin sa crab mentality… sus kung di ko pa naging subject yan sa school, wla pa akong pakialam kung ano yan… hindi dahil favorite subject ko ang GMRC, kaya ko natutunan ang crab mentality… yun eh dahil ang teacher ko eh parang may inalimangong nakaraan… kahit di ako nakikinig sa pinagsasasabi nya eh bigla na lang akong nagulat ng biglang buong poot at maka-almoranas na galit ang ipinahayag nya about crab mentality… kulang na lang sabihin nyang dapat eh i-garote pagkatapos sunugin ang mga taong mapanglamang… well, nung mga time na yun di ko alam kung anong ibig sabihin ng crab mentality bukod sa kantang tong-tong-tong-tong pakitong-kitong at masarap isawsaw sa kalamansi eh question mark na ang utak ko kung anong sabi ng wikipedia tungkol dun… kaya isipin nyo na lang kung gaano ako naguluhan kung bakit siya galit sa alimango… eh mahilig ako nun… mamaya ibagsak nya ako… tapos natakot na ako para sa health niya.. parang pag nagtagal pa ang maka-faith healer na pananawagan sa poong maykapal eh bigla na lang siyang mangisay sa harapan namin.. tanda ng pagsapi kuno ng mga kaluluwang dati ay naapi… at ayun.. nagsimula ko ng nalaman kung ano ang crab mentality… bukod sa masama siya sa lipunan eh masama rin siya sa mga taong mataas ang cholesterol at nasa lahi ang alta sa presyon…

uulitin ko para mejo makulit… ano bang alam ng mga pinoy sa crab mentality?… kung pinoy ka alam kong alam mo yun at wag ka ng tumanggi… nasa kaibuturan yun ng sumpang noli af el fili, juan tamad, si pagong at si matsing… isama na rin natin ang the adventures of lola basyang… at ang lahing pinoy lang ata ang may pinakamaraming pHD pag dating sa crab mentality kaya madami tayong titser na internationally competitive… bakit internationally? come on… parang di naman natin alam na maraming high caliber-primera klase professionals ang parang bigas na sinabog sa buong mundo… white o blue collar man yan… tandaan mo, kahit ata uncharted territory eh may pinoy na nakatira jan…

at kung meron mang mga group of individuals na maraming urban legend pag dating sa kwentong crab mentality na talaga namang sisipitin ka sa dami… yun na ata ang mga taong nagsahimpapawid at lumanding sa lupang malayo pa roon… in short ang mga OFW… at kaya naman ako nandito sa blog ng mahalay na tao eh para maparating ang fungi na matagal ng nakatira sa hadhad ng mga taong abot kisame ang ihi sa sobrang pagiging mapangmataas… hindi ko alam kung kaninong inuming tubig ang may problema.. ang tubig sa ibang bansa o ang tubig na may halong tubig canal dito sa pinas.. na kung bakit pagtuntong sa ibang bansa eh talo-talo na kahit pare-parehas tayong apo ni juan delacruz… hindi na kasi survival of the fittest ang laban eh… ang labanan na eh survival of the most swapang.. survival of the most buwaya na malumot-lumot… survival of the pinaka-sementadong kapal ng mukha… multiple choice ang tanong… at huwag ka ng mag-isip kasi all of the above ang sagot…

kung tinatanong mo kung masaya ba ang mga tiyanak na anak ni janice na ito sa mga ginagawa nila sa kapwa pinoy… siguro oo… dahil bukod sa makapal ang mukha nila, mas matindi pa ang mga taong eto kesa sa na-noverdose ng anesthesia sa sobrang manhid… kung sa normal na tao eh comatose na sa hiya… sila ang mga taong endangered species ang level ng talab ng kahihiyan…

ikaw!!! Oo ikaw… kunwari ka pang normal pa ang init ng katawan mo, lobo ng baga mo, tibok ng puso mo, at taas ng BP mo… kung hanggang ngayon eh may epekto pa rin ang anesthesia na tinurok sa nanay mo na napasa ata sayo nung ipinanganak ka… eh malamang panahon na para magising-gising ka hanggang di ka pa tinatalupan ng buhay ng mga kababayan mo… isipin mo na lang na sila rin may pamilya at di lang ang angkan mo ang kelangan ng pang-tuition at pang sahog sa laway para mabuhay… isipin mo na lang na habang ikaw ay halos mahubuan na ng salawal sa sobrang pagpapaimpress sa boss nyo eh ang mga kababayan mo naman ang nahubaran ng pagkakabuhayan…

masyado na bang mahaba ang iisipin mo at mejo nabibigatan na ang makitid mong utak… well sorry dadagdagan ko pa yan…

isipin mo na lang na masakit ang latigo ng karma… matakot ka na… hindi ito pagbabanta na may halong plano ng massacre… dahil sigurado kahit ikaw naisip mong mali ang ginawa mo… at kung hindi mo man naisip yun… anak ng… ilang beses ka bang pinanganak ng nanay mo? cheers;p-glesy the great… bow

applasue*applause* worship*worship* … Ang galing ng pagkakagawa, naayon sa kagustuhan kong kalabasan… Kahit puro “OO” at ” Cge Lang” ang nasabi ko Kay Glesy sa YM,  derederecho pa rin sya ng sulat kahit ang daming umeepal sa amin, nabuo ang isang magandang entry.  Salamat Glesy the Great… cheers!cheers

Bato bato sa langit, tamaan wag magagalit at ang pikon ay laging talo…kaya bang! bang! bang! sayo!th_riflefk9

 

22 Responses to “Tong-Tong Pakitong-kitong”

  1. kulot Says:

    so haba ng post nya, tinamad din akong basahin na

  2. Libay Says:

    akala ko pa naman sinipag na or epekto ng tama ng yelo :P

  3. you Says:

    sapul na sapol ang tumbok ng pinatamaan ni glessy ha…. sana mabasa nya mismo

  4. chinita0369 Says:

    ay naku sana lang tinamaan nga ang dapat tamaan sa iyong blog na ito…at ang crab mentality na yan di matanggaltangal sa mga pinoy kaya di umaasenso bansa natin eh…galing mo glesy the great….

  5. ana banana Says:

    tsk… bigyan nyo naman ng talent fee si Glesy d’ Great puro na lang kayo TY… he.he.he

    Lhay, talagang hinintay mong mag 69 days ayos….hahaha!

    Glesy! Saludo ko sa’yo! on da spot sinulat sa YM galeng galeng….

  6. jen Says:

    napakahusay talaga ni kaibigang glesy cheers d great! at ana anong TF ,tama na ang pakikipag kaibigan, lolz! *kuripot*

    madami talagang crablets sa earth and they’re freakin’ everywhere

    ahmnnnn…..sa wakas nag bagong new entry….CHEERS!

  7. potsquared Says:

    kung saan saan ko nakikita ang pangalan ni glesy… parang kabuti lang… eniweys… eto comment ko…

    hindi yata mawawala sa kultura natin ang pagiging ningas kugon… isipin mo.. una gustong gustong gawin.. tapos kapag tinamad di na tatapusin… sayang lang ang effort di ba?

    at oo.. binasa ko ang entry na ito…

    bwahahahahaha!! mabuhay ang mga crabs!

  8. galing talaga ni glesy… glesy pwede mag request??? mag guess blogger ka din sa akin :lol:

    hay naku ! talaga nga namang nakaka init ng ulo yang mga crabs na yan.. haysus… naranasan ko din.. prang kanina lang yun.. mga 2 hours… galing tatayming nitong si glesy oo.. nice post!!!

    kala ko naman sinipag na itong si lhay?

    cheers sa lahat ng crabs :lol:

  9. joycee Says:

    Hankulets kala ko talaga si Lhay na wehehehe.

    At hanggang dito may mga plerk smilies weeee.
    Panalo glesy wuuu!

  10. visyel Says:

    (thinking) Kung sino man yung officemate
    (officemate nga ba?) mo na yun eh, goodluck na lang
    sa kanya… Lahat naman ng bagay na ginagawa natin
    kapalit… ;)

    Wag mo na syang pansinin dahil… Makakamtan din nya ang gusto nya.. Hahaha ;)

    Ang ganda ng emoticons mo… Saan mo nakuha? ;)

  11. visyel Says:

    Dagdag ko lang… (naalala ko lang kasi, hahaha) ako rin
    ang tagal ko nang hindi nag-uupdate, tungkol pa sa
    Hearts’ day ang topic ng last post ko, lols.. :P

  12. khzr4u Says:

    magkano bayad kay glessy?

    wag mo na lang un pansinin lhay baka nagpapacute lang un sayo..cute yata ang utak talangka nya eh..amff..

  13. joan Says:

    mukhang sinakto ngang 69…ehem!
    buhooo sa mga crabs na yan! don’t worry, mas alam ni Lord kung ano ang totoo. just do your thing. it’ll all pay off in His own time.. ;)

  14. Heleyna Says:

    Glesy kong mahal! astignesss! i like this post kahit parang pang Mendiola ang dating. Sana mabasa ng mga dapat tamaan hihi.

    Ampft lhay! kelan mo balak magpost? hmp.

  15. issey Says:

    ang galing ni glesy parang great sya no??? kung di pa dahil sa kanya di pa mabubuhay to…ehehehe
    anyway true naman nisulat ni glesy eh sadyang may mga tao na gusto sila lang ang nasa taas at nagiging bitter pag nakuha ang atensyon ng iba!
    I tensyu bow!

  16. prinsesa000 Says:

    super effort tlaga ang paggawa ng super habang entry ah!
    ano namang kapalit nyan? hehe

    tama ka…
    why can’t be happy for someone else’s success..
    wag puro inggit.. kakastress rin yun… hehehe

  17. dencios Says:

    yan kasi ang masama sa ating pilipino ang mentalidad na iyan. kahit ako ayoko talaga ng ganyan e nakakababa ng pagkatao! at ayokong makarma sa huli ! great post here!

  18. [...] Kengkay ulit) 7.  HE SAID, SHE SAID (for Burinj) 8.   HE SAID, SHE SAID (for Kirksydney) 9.  TONG TONG PAKITONG KITONG (for [...]

  19. daarbzz Says:

    Hello Ihay and Hello as well to your Circle OF FRIENDS..

    I am the “alimasag” ” from the EXODIANS website. Bloggers are my inspiration most especially when my brain is drained.

    I am not a writer but I forced myself to write because nobody will write what I witnessed – - to be witnessed — will be witnessing…

    I could never be here without the recommendation of the GREATEST BLOGGERS OF ALL TIMES – broutoy – - whom I WILL point finger if ever I will be interrogated and threatened of torture, crucifixion and death. (GROGGY PA SA SOBRANG PAGKALASING SA HOLY WEEK EFFECT…HEHEHE.)

    Anyway….

    Without the bloggistas (social networking), I remained in HIATUS forever. Alone that was…The experience I felt between 1995 – 2007. Until one day… while I was minding my own business in one the Cathedrals, practicing copy and paste skill… broutoy came by. He left a message. I followed his link… At that moment I experience the “Pedagogy of the CAVEMAN.”

    He was the first seminarian blogger who opened up a new perspective of what blogging is all about – - FAITH BASED INITIATIVE… which I never seen before. I don’t have to explain his style.

    After reading one of his entries – - the paranoid internet loner like me, had doubted and asked if broutoy’s claimed as seminarian was true… He could not be? How in the hell an insider like him maka-sulat and express his ideas freely in an OPEN SEA? NO WAY!

    In our circle we called his thought as URAKI as in COOL DUDE! And of course …IF YOU WERE LIVING IN ILLUSION, you begin to ask, HE COULD NOT BE ME.

    Together we sing the ALIMANGO SONG…

    “Tong-tong-tong-tong-pakitong-kitong
    alimango sa suba gibantog nga dili makuha
    ako ra ang makakuha ako lang ang maka-kura.”

    Repeat once or twice….

    Okey…truth be told…this comment is just by reading your title… I’ll be back for the rest of the ARTICLE because that is another story…

    Note: You are not required to visit my blog nor respond… I still prefer to be left alone… (pa-ik-ik-style..,)

    Thanks!

  20. exodians Says:

    Tong tong revisited: The OBSESSION

    The tong tong pakitong kitong is not exclusive in Filipino culture. It is embedded in every culture. So please don’t beat yourself up fellas.

    Refutation: Your’s truly is living in the middle of the earth/self exiled since 1993. Never visited the Phil. Never in competition to a filipino in a certain position/nor fame/nor celebrity status/ or any possible reason why someone has to “tong tong pakitong kitong” sa ating beauty. Hindi lang si broutoy ninyo ang poging ano… hehehe.

    Tong tong in action: someone has to go down – should be pushed down – should be fired – should be out of the scene – and guess what? So someone can take the glory…

    So tong tong – is in every human’s heart. Root cause? preliminary finding – - jealousy, greed and pure evil.

    Please tell your friends that “crab mentality” as you described is not just for the Filipino. It is for everybody living in this land.

    Get out of the Philippines and live among other cultures and you will see what we mean by NOT EXCLUSIVE to Filipino.

    However, if you want to believe na Pinoy lang na lahi ang “tong tong pakitong kitong” then SO BE IT! BEAT YOURSELF UP FELLOW KABAYANS. Nail yourselves in that cross and make “crab mentality just for Filipino” Owned it! so other culture will be saved from “tong tong” and we will be blamed for everything and eat all their CRAPS!

    If you like the idea then… hey, it is your choice.

    Anybody can be a tong tong pakitong kitong worse case scenario – - tong tong pakitong kitong is used in the name of survival…

    Salamat

    lagda by darbs/daarbzz (exodians.wordpress.com)

  21. darbs Says:

    Hi, ihay pahiram ng image mo na crabby. salamat.

  22. darbs Says:

    Ah! my feyborit page.

    Happy Blog One Year Anniversary!
    Binalikbalikan ang pegs ng nakaraan.
    Napadaan, lang dahil nirebyo kung saan ang crabby image naka paskil.

    In case, you don’t want to know and/or you want to know here is the link kung saan ko ginamit ang image.

    http://exodians.wordpress.com/2009/07/27/matud-nila-whats-up-with-the-flute-bro/

    Nice page you have there, thanks for visiting.


Leave a Reply