LHAY

Ang aking pinakaunang perstaym at late na TAG September 21, 2011

Filed under: Kahit Ano lang,Mga Nakaraan — lhay @ 4:29 pm

Edit: I saw this in my draft, di ko pala na-post, nakalagay sa ibaba ‘Draft saved at 4:26:09 pm. Last edited by lhay on February 14, 2009 at 6:39 am’  lols  2  and a half years ago:D

Happy Kapuso Month nga po pala muna sa inyong lahat…

Dahil wala ng tao sa plurk, nabasa ko ang mga dapat basahin, napanood ko na din lahat ng porn dapat panoorin, tanging paghinga na lang ang pinag kakaabalahan ko, naisipan kong gawin ang TAG ni Libay.

Ahmm FYI po, sa sampung TAG na natanggap ko mula dati, ito po ang pinaka-unang ginawa ko…

Madali lang naman ang batas na dapat sundin eh:

Magsulat ng sampung (10) bagay tungkol sa sarili mo.. Siyam (9) doon ang trulalu at ang isa (1) ay eklavu lamang…

Pero kumbaga sa batas, ako ay isang kriminal, buwahahahaha..hindi ko masyadong susundin yun… Certified Pazaway yata ako.

Binasa ko lahat ng post tungkol dito…Napansin kong bawat isa sa kanila ay masasabi kong, may pag kakahawig ng tungkol sa tunay na pagkatao ko. At ito ang mga iyon:

1. Ang Pang-Apat ni Libay : Mahilig ako sa sports at naniniwala ako na lahat pwedeng matutunan. Yung iba kasi ginagawang excuse na wala daw hilig sa kanila ang sports. Ako gusto ko lang subukan kasi para sa akin lahat ay napag-aaralan. Hindi nman tayo pinanganak na may hawak na bola o pana o golf club diba? Pag ginusto naman natin at binigyan ng oras garantisado matutunan din natin ito.

 2. Ang Pang-Pito ni Issey: Cheerleader na ko simula pa lang ng elementary hanggang college ako, kaya siguro magaling akong tumambling…hahahaha ewan na lang kung kaya ko pa syang gawin ngayon, tsk old age nga naman.

3. Ang Pang-Una ni Ana: Napaka clumsy kong tao… hindi pwedeng lumipas ang isang araw na wala akong  ginagawang eksena kung hindi napapatid sa mga cable, natatalisod sa humps, nalalaglag yung hawak kung baso, nasasabit sa alambre. Naiinis na nga ako sa sarili ko minsan kahit nag iingat na ko ganun pa rin… sabi nga ni mama ko wala daw akong ka finesse finesse kung kumilos laging nagmamadali parang laging may hinahabol.

4. Ang Pinaka-Una din ni Jen:  No style is my style when it comes to dressing up, I practically put anything. Hindi ako mapag akasaya ng effort sa fashion, it comes naturally, ahem! I don’t wear make up, nadudumihan ako sa nail polish at  Ayako pati ng mahabang nails.

5. Ang Pangatlo ni Barnie: Pillow- hindi ako makakatulog kung iisang unan lang ang gamit ko, dapat 6 or 7 un bang kaya akong tabunan ng mga unan..

6. Ang Pangalwa ni UtakMunggo: grade one ako unang nagkanobyo. naghiwalay kaming kapwa virgin pa rin pagka grade two. nakita ko nalang siya many years later sa Union Bank kung saan siya nagtrabaho bilang fortune teller, at noo’y isa na siyang ganap na bading. (sana naman wala akong kinalaman sa desisyon niyang makisapi sa atutatyon)

7. Ang Pang-Lima ni Mumu: 16 years old pa lang ako nagtratrabaho na ko…

8. Ang Pang-Siyam ni Neytan: Meron akong collection ng t-shirts galing sa mga lugar na pinupuntahan ko. Sa ngayon, hindi ko na mabilang kung ilan basta I see to it na bawat puntahan ko eh bumibili talaga ako. Pero hindi ko naman sinusuot, basta kinokolekta ko lang. Meron ding caps pero lamang yung t-shirts.

10. Ang Pang-Anim ni KemcheHindi ako palakibo sa una. Nakikiramdam ako kung pano ako makikipag-usap sa mga taong kasama ko. Hindi ako yung basta basta na lang babanat sa umpisa ng kahit na ano kahit pa hindi pa gaanong kakilala yung mga kasama nila.

Mga brod and sis, click and back lang yan….

Kung tinatamad kayo pagtuunan ng panahon para basahin ang mga link na nandyan para malaman kung anong konek nyan sa pagkatao ko pwes…maiintindhian ko kung di ka mag iiwan ng koment…


 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s