Guhit Part 2 /Sa wakas nagkaroon din ng entry/kauna-unahang hirit sa 2009/ Karugtong ng Guhit/may masabi lang (drinking) January 17, 2009
Guhit December 3, 2008
Noong bata pa ako , hindi ako mahilig sa arts.. tandang tanda ko pa, stick lang ang mga tao ko, pati hayop , puno at halaman stick lang, nag lalagay ako ng kulay ng lagpas lagpas, kinukulayan ng pula ang bahay, dilaw ang dagat, asul ang araw, at berde ang kalangitan…
Lumaki akong magaling gumuhit ang kuya at ate ko pati na rin ang mga pinsan ko.. Kapag may klangang i-guhit na project, wlang kahirap hirap sa kanila…
Minsan isang araw nagising na lang ako na nagtatanong sa sarili ko, bakit ganun? Ang ate at kuya ko magaling mag drawing? Samantalang ako hindi? Dumating sa punto na nakita ko ang sarili kong nag-aaral gumuhit. Tumuntong ako ng hiskul at laking saya ko ng may Elective Subject ako, dito tinuturan kami gumuhit mga basics and mga plates. Seryoso ako at matataas ang mga nakukuka kong marka.
Minsan nailapitan ko ang Prof ko sa Elective at sa kanya ako humingi ng payo. Matyaga si prof sa pagtuturo sa akin, sabi pa nya.. mabilis akong matuto. Lahat ng mga ginuguhit ko pinapakita ko sa kanya. Tinuruan nya ako ng mga teknik, isa na dito ang pag lagay ng pattern na pari-parisukat:
Mas madaling gumuhit kpag may ganyang pattern, mas masusundan mo ng maiigi ang mga detalye…
Minsan sinubukang kong gumuhit ng walang pattern, ang pangit ng kinalabasan, pero mapag tyatyagaan na rin kaya simula nun kpag may gusto akong iguhit, di pwede ang walang pattern.
Dati di rin ako marunong gumuhit ng mukha, nagpaturo lang din ako. Lahat ng bagay sa pag guhit pinag aralan ko lang at dahil na rin siguro sa pursigido ako at matyaga. Dumating sa point na yung iba kong mga kaibigan ay nagpapaguhit na rin sa akin, ang sarap sa pakiramdam lalo na at nakikita nila at nasisiyahan sa mga bagay na iginuhit mo. Para bang sinasabi mo sa sarili mo na tama nga at pinag aralan mong gumuhit. Madami na rin pala akong nakolektang drawings at ang iba sa mga ito ay makikita nyo dito.
Simula ng dumating ako dito sa Dubai, hindi na rin ako masyado nakaka pag drawing. Dinala ko pa naman dito ang mga gamit ko. Pag wala pa naman ako sa mood mag drawing di talaga ako gumuguhit pero last week dahil sa mga pang yayari sa loob at labas ng bahay. Ginuhit ko ang mga naging kaibigan ko sa mundo ng Plurk:(pasensya na kayo, wala akong scanner kaya piniktyuran ko na lng)
Mumu
Ana_banana
b00bsy
Kimchii/Wasabi/Watever
Jen
Potpot
Libay
Sa panahon natin ngaun kayang kaya na ng teknolohiya ang gumawa ng ganyan gamit lamang ang mga ispesyal na programmes or software. Ilang pindot lang sa keyboard at voila, may drawings ka na. Nakakaawa ung mga kilala ko na sa tanging pag guhit lamang ang ibunubuhay sa pamilya, bumaba ang kita nila dahil sa mga nag susulputang bagong teknolohiya.
Wag sana kayo magalit kung kumuha ako ng mga piktyur niyo sa inyong mga FS account. Tanging si Ana lamang ang nasabihan ko tungkol sa bagay na ito. Wala sana pupuri or manlalait. Dahil kahit kayo kung tyatyagain niyo lang, kayang kaya nyo din gawin yan at baka nga mas maganda pa eh, basta sasamahan lang ng sipag at tyaga, lahat ng bagay KAYA!!!
Salamat na din November 28, 2008
Maraming Salamat sa Chocolate, pinapataba mo ako masyado, request ko sa susunod na bigay mo yung dark chocolate naman ha…
Maraming Salamat din sa Skittles, alam mong favorite ko sya pero sana sinamahan no na din ng jelly beans at gummy bears…
Maraming Salamat sa pendant, pero sana di mo na lang inukit yung namesung ko , balak ko kasi syang ibigay sa kaibigan ko eh…
At Maraming salamat sa ring, pero nakita ko may tatak na 92.5 Silver from Italy, hinihintay ko yung white gold na ibibigay mo, asahan ko yon…
**Take Note: PIKTYUR LANG ANG LAHAT NG YAN, hindi pa sya totoo**
Ang huling 12 litrato November 15, 2008
Mahilig akong kumuha ng litrato pero di ibig sabihin nun magaling na akong kumuha. Minsan gamit ko ang aking Olympus 795 SW, 1.5 m Shock + 10 meters waterproof + 100 kgf Crush Proof Digicam …lalo na kapag ang pupuntahan ko ay mga beach.
Minsan naman ang aking iPhone 3G 16 GB… madalas gamit ko ito sa mga gimik.
Pero ito talaga ang aking buddy, si Samsung SGH-F210, maka-masa dahil maliit lang 87.38 x 20.5 mm lang size nya, very handy , super gaan (72 grams) at saktong sakto sa kamay ko…dala-dala ko sya saan man ako pumunta…
– Swivel Design
- Dual Interface (Music Player UI / Normal Phone UI
– 262144 Colour TFT Screen (128 x 220)
- Music Player (MP3 / AAC / AAC+ / WMA)
– WMDRM / OMA DRM v1.0 / Background Music Play)
- Music Library / Equalizer / Music Setting Wizard / ID3 Tag
- Click Wheel Navigation
- 2 Megapixel Camera (2x Zoom)
- Internal Memory: 1GB Nand Flash
- External Memory: microSD Slot (up to 2GB)
– Tri-band / EDGE / GPRS
– Windows Media Player 10 Compatible
– FM Radio with RDS
– Bluetooth v2.0 EDR / USB 2.0
– Music Recognition
– MMS / JAVA / WAP 2.0
– Video Recording & Messaging
– Dimensions : 87.8 x 31 x 20.5 mm
- Necklace Earphone in box
- Weight : 72 gms.
– Battery : 750 mAH
– Talk Time : up to 3.3 hrs.
– Standby Time : up to 265 hrs.
– Playing MP3 on off-line mode : up to 18 hrs.
Dahil siya ang madalas kong kasama, basta’t may pagkakataon sya ang gamit ko sa pagkuha ng mga kung ano ano sa paligid, ito ang mga huling 12 litrato na nakuhanan ko gamit ang aking Samsung SGH-F210:
1. USOK – di ko alam kung bakit ko kinuhanan itong usok na ito mula sa bunganga nung balahura kong kaibigan. Nagbabakasakaling maka buo ng hugis barko mula sa usok ng sigarilyo. Watta talent.
2. STAGE SA CHIKKA GRILL DUBAI– Natuwa kasi ako dun sa Philippine Flag sa background nung stage, kaya natuwa akong kuhanan. Astig ng Pinoy Band na nag peperform dyan that time, kalimutan ko lang yung name. Kinakanta nila ang LOW-LOW-LOW-LOW-LOW-LOW-LOW nung kinuhanan ko yan.
3. HEINEKEN – Yan ang ininom ko sa CHIKKA GRILL DUBAI, libre yan kasi kilala ko yung naka-assign na bar tender…kung sinuswerte ka nga naman… whew!
4. SISIG – Syempre mawawala ba ang pulutan sa inuman??? (Puta… patayan na lang oh?) Pero hindi na yan libre ha, may bayad na, Napakasarap ng sisig na yan…promise!
5. CAKE & MALBORO – CHECKERS Dubai, Yung cake akin, pero yung Malboro Lights sa kanila. Eat and Drink all you can dyan.
6. VEGGIE SALAD – CHECKERS Dubai pa rin, ummm appetizer ko sana yan eh kaso mas ginawa ko syang pulutan…
7. ISDA SA AQUARUIM – Obyus naman eh kaso natuwa lang ako sa isda ni Kuya kasi di ko namamalayan ang laki na pala, dati kasi sinlaki lang ng sapsap eh ngayun mala tilapia na ang laki. Ayos ito kapag walang ulam, mai-prito…
8. FRIED NOODLES – INDO MIE ang tatak, Indonesian Noodles, sinlasa lang sya ng Lucky Me pancit canton pero mas masarap, makikita niyo sya sa mga suking tindahang nagkalat sa kanto ng UAE. Hinaluan ko sya ng 2 Itlog kaso sa nakikita nyo sa litrato 3 ang pula. Kaya kinuhanan ko.
9. FRIED NOODLES 2 – CLOSE UP, kasi para maka siguro ako na tama ang aking nakikita, kinuhanan ko pa sya ng isang beses yung mas malapit sa cam. 3 talaga yung pulang itlog, ang galing.. yung isang itlog kasi kambal ang laman…
10. SI MING-MING – Alaga kong laruan na daga.. Malikot yan at makulit kung saan saan pumupunta at nagsusuot, minsan nangangapit bahay pa at kinabukasan pa bago bumalik sa akin.
11. SI MING-MING 2 – Sya ulet, tignan mo nga naman itong si ming-ming, papampam, kinuhanan ko sya sa dati kong trabaho habang bisi ako sa pag plu-plurk este sa pag gawa ng report, ayan sya at nagpapapansin..tsk…
12. B1 & B2 – Finale, ewan ko kung anong nangyare kay B1 At B2, nagbugbugan ata or nag dive sa langis kaya yan ang napala, buti nga.

Nissin’s Eggnog November 1, 2008
Nagtirik si ate ng 7 kulay yellow na kandila sa ibaba ng building namin para gunitain at ipagdasal ang aming kamag anak ng sumakabilang buhay na. Umakyat si ate sa taas at naiwan ako sa ibaba ng building habang hawak hawak ang isang puting kandila.
Pagkalipas ng isang minuto sinindihan ko ang kandila at tinitigan ang mumunting apoy na sumasayaw habang itinatayo ito sa lupa. Muling nagbalik sa aking ala-ala ang nakaraan.
Minsan naging avid fan din ako ng isang celebrity, di ko din akalain na darating ako sa sitwasyon na klangan kong abangan ang bawat pelikula, palabas at commercial nya sa TV. Walang iba ito kundi si Ricardo Carlos Castro Yan o mas kilala nilang Rico Yan.

Rico Yan
(March 14, 1975–March 29, 2002)
Hindi pa artista si Rico Yan, hinangaan ko na agad sya unang kita ko pa lang sa kanya sa commercial ng Nissin Eggnog (ito yung commercial ng 2 babae na binabase nila sa ilang piraso ng eggnog ang kakainin nila ang ranking sa mga dumadaan na lalake, tapos nung dumaan si Rico , sya ang may pinakamadaming eggnog na nakuha, 10 eggnog ang binigay sa kanya) nway, dun pa lang sinubaybayan ko na agad ang carreer ni Rico. Hanggang sa nagkaroon na sya ng mga iba pang commercials like Master Eskinol, Greenwich Pizza, Reinforest Water, Blue tab jeans, Molecules Shirt, Talk N’ Text, etc).
Pinapanood ko at sinusubaybayan ang Gimik kung saan ginagampanan nya si Ricky, Whattamen bilang Castro, MaraClara bilang Derick, Mula sa Puso bilang Gabriel, at San ka man naroroon bilang Daniel, hindi dahil sa maganda ang istorya or dahil kapamilya ako, isa lang dahilan, dahil nandun at mainstay si Rico.
Hindi ko man nasubaybayan ang lahat ng kanyang pelikula pero may ilan-ilan din akong napanood gaya ng Madrasta ginampanan niya si Dondie, Paano ang Puso ko bilang Jason, FLAMES bilang Joel, Dahil mahal na mahal kita bilang Miguel ang pinaka huli nyang pelikula na Got to Belive in Magic bilang Lorenz.
He smartly ventured into business and became one of the most successful entrepreneurs in the land, kung saan isa lang sa kanyang mga business ay ang Java Hut, Tequila Joe Grill and Restaurant located in Makati, Timbuktu in Malate, Buddy Burger and Orbitz Pearl Shake.
He was chosen as the most outstanding role model for the youth and became the Department of
Education’s official ambassador in reaching out to out-of-school youths and encouraging the 20 million students nationwide to stay in school.
He declared: “Education is the key and the only weapon to solve the social ills in the society.”
He did charity acts for the poor and the elderly, most of which were unpublished, done in secrecy.
Halos lahat sa kanya siguro alam ko na, Course, Lasalista, Favorite Colors, Food, Music etc. Alam ng kamag-anak ko at mga kaibigan ko ang pagmamahal at atensyon na binibigay ko kay Rico Yan noon. Hanggang sa malaman ko noon ang isang balita:
Wala ng pasok sa skul dahil bakasyon na, 2nd year college ako at dahil nakatira ako sa Lola ko sa Manila , bago umuwi sa mga Parents ko sa Cavite dumaan lang ako sandali sa tita ko sa makati para bumisita. Pag dating ko ng Makati, brownout sa mga Tita ko pero may telepono. Doon ako nakatanggap ng 5 text messages sa aking Nokia 3215 na selpon. Halos lahat magkakaparehas ng message: “Uyyy, alam mo na ba nangyari kay Rico?”.
Buti na lang may telepono kila Tita noon dali dali kong tinawagan ang isa kong kaibigan upang tanungin sila kung bakit, di ko daw ba napanood sa tv ang nangyari kay rico? Sabi ko na lang, wala pa ako sa Cavite at nasa Makati pa ako, wala akong napanood dahil brownout, para ako isang kamag-anak or gilfriend ni Rico na ayaw nila sabihin sa akin kung anong nangyari kay Rico na alam nilang ikasasakit ng damdamin ko. Basta manood na lang daw ako ng tv. Blangko wala akong nakuhang impormasyon.
Tinawagan ko ulet ang isa kong kaibigan upang alamin kung anong nangyari kay Rico. Hindi ko pa daw ba alam? Hindi ko daw ba napanood sa tv or narinig man lang sa radyo? Hello, magtatanong ba ako kung alam ko? Ni isa walang nagsabi sa mga kaibigan ko kung anong nangyari kay Rico.
Habang nsa daan pauwi ng Cavite, sari saring emosyon ang bumabalot sa akin, inis, asar, lungkot at kaba. Halo halo na, hindi ako mapakali, para akong isang girlfrend na hindi alam ang nangyayari sa kasintahan. Nakarating ako ng Cavite at dali daling binuksan ang gate papasok ng bahay. Andun sa terrace ang Dad ko kasama ang iba pa naming kapitbahay, nag-iinuman, ke aga-aga pa. Kasunod kong pumasok sa gate ang isa pa naming kapitbahay habang isinisigaw ang: “Patay na si Rico………. Puno, narinig ko sa radyo”.
It was Good Friday so I knew that local TV stations, radio and even newspapers were off. I didn’t bother to confirm it.
Sus, yun naman pla eh ,sabi ng isip ko, kala ko pa naman si Rico Yan na, napabuntong hininga ako ng malalim at lumuwag na kahit papano ang pakiramdam pero hindi nawala ang uunting kabang bumabalot sa akin. parang may mali pa rin.
Dali dali akong pumasok sa kwarto pagkatapos kong mag mano sa aking ama , hindi ko na nagawa pang alamin kung nasaan ang aking ina, ate at kuya. Sabay lock ng pinto. Binuksan ang TV at ito ang mga eksenang nakita ko:
The Death of Rico Yan that Shocked a Nation, I only overheard it ang wasn’t quite sure if i heard it right so i brushed it aside. Local stations were still supposed to be off air until Easter Sunday but Rico’s sudden death had cut the media people’s vacation. Rico’s family asked for privacy. Tumulo ang luha ko ng di ko namamalayan habang nakaharap sa tv at pinapanood ang mga pangyayari. Si Rico Yan. He died because of pancreatitis a natural death also known as bangungot.
Hundreds of his followers had already trooped to La Salle Greenhills where his remains were brought. They said the people would have to wait till Monday before they will be allowed to enter.
Naturally, many people complained. “Why are they doing this? Rico is a public figure,” they argued. Of course some had even come from the provinces to pay their last respect to their idol only to find out that the gates would remain shut to them after long hours of waiting under the terrible summer sun.
Despite the well-broadcasted strict security, people kept on pouring to La Salle every hour. It reminded me of Edsa Dos and Edsa Tres both of which took place at the Edsa-Ortigas intersection less than a kilometer from the school. Wow! These people haven’t even met Rico in person and yet there they are. They weren’t there hoping they could catch a glimpse of celebrities who would attend the wake; they mourning was genuine.
As for me, I waited for the proper time that Rico’s family allotted for his fans to come.
That evening, accompanied by my boyfriend, we went to La Salle to pay my last respects to Rico. Fans were still there shaking the gates along Ortigas where they were supposed to enter. The gates were closed to the public as early as 5 pm but people still kept on coming. The security guards where using a megaphone to keep everything in order. I saw some people sleeping on the streets in their sleeping bags.
As an alumnus girlfriend, I had no problem entering after showing the proper identification of my boyfriend.
Most of Rico’s other friends were outside the chapel oblivious to the crowd peeking at the gate near the chapel. Before I entered the chapel I took a minute to reply to some text messages knowing them im in Rico’s wake at that moment. Then I shut my phone off.
The chapel’s door was closed shortly after we entered. The reason was the evening mass was just about to start. Before taking my seat I looked back outside the glass doors and I saw none other than the former First Lady, now Senator Loi Estrada standing outside.
The mass was short but very solemn. Afterwards, I viewed the remains. Rico looked regal lying inside the bluish casket. His face looked bright and peaceful. It doesn’t look like he has make up. His hair was neatly combed. His gray suit was clean and ironed. Para lang syang natutulog. I secretly grab my handkerchief from my bag. And pasimple kong pinahid sa casket.
Honestly, I never saw him personally. I was once went to Timbuktu in Makati hoping I can see Rico. Pero hindi ko sya nakita.
Rico was always upbeat, enthusiastic, and ready to burst with laughter anytime as his friends say. He may look formal in his eternal sleep, but the appearance embodied the real quintessence of his greatness.
Even as I bid my personal farewell to Rico, I also took the liberty of conveying to him the affection, esteem, respect and gratitude of the millions more who may not be given the chance to transmit their messages in right front of him.
Who could ever forget the images on TV such as the old lady paying her respects on the street outside? One late evening, Rico saw her selling in the streets and asked her to wait. He came back later to give her 10,000 pesos just like that.
As we made our humble exit, I did see some politicians and celebrities. Veteran actor Eddie Garcia
stood out. I didn’t know he was that tall. Almost instantly I recalled one episode of a TV drama where Rico took care of his old and dying teacher played by Mr. Garcia. The story had a twist in the ending for it was the balikbayan boy played by Rico who died first.
Remembering all these on a night like that made me feel like I was in the twilight zone. Only, this was real.
Rico Yan died at 27. There was absolutely nothing in the world that could have prepared us for it. Tragic, shocking, devastating — no matter how we try to describe it, it’s still unthinkable. It hasn’t quite sunk in. And I don’t think it will sink in for a long long time. That fact that a guy so full of life, so highly popular, and at the peak of his career, can go so suddenly is just beyond us. Even if you’re not a showbiz follower, you’d be a hypocrite to say that you weren’t somehow affected by his death.
It is not just the death of a popular actor. Rico Yan’s death is a jolting reminder of how vulnerable we all are. Without any exception, all of us can go at any time and at any place. Heck, I can go while writing this piece now. And that is a sobering thought, so I’m going to try to do a good job.
The dimples graced the soft lines of a very handsome face.
Yan ang businessman: Many will remember Rico Yan
as a dramatic actor and comedian but we musn’t forget
the other facets of his full life. He learned
to invest his money wisely in business, while helping
a lot of people through his foundation.
The mystique of Rico Yan owes nothing to ideology. He was a victim of his own destiny as we all are in our own turn. He is the wholesome kid, the good boy as an icon of his own generation. We don’t have to fanthom the mystique of Rico Yan or of the cult it has evoked. It has a validity of its own.
“Good night, sweet prince. And flights of angels sing thee to thy rest.”
Ang kwento ni mudra October 28, 2008
Naalala ko dati, nagkwento si mudra tungkol sa isang pangyayari noong sya ay musmos pa lamang.
10 silang magkakapatid, 2 lalake ang mga panganay at ang mga natitira pa ay puro babae na. Si mudra ang pangatlo sa pinakabata. Naka gawian na tuwing may ipinagdiriwang na kapyestahan sa kabilang ibayo ang pumalaot sa ilog gamit lamang ang bangka upang makarating sa kabilang pampang. Dahil duon sila makikipyesta sa kanilang mga pinsan. Wala na ang kanyang ama (lolo ko) noong panahon na iyon, tanging ang kanyang ina (lola ko) na lamang ang nangangalaga sa kanyang 10 anak. Doon sa kabilang ibayo tumulong sa pagluluto ang ang kanyang ina (lola ko) kasama ang kayang pitong anak.
Ang tanging naiwan sa munti nilang tahanan ay aking mudra, kasama pa ang dalawa pa nyang nakakabatang kapatid para maging taong-bahay. Kitang kita nila mula sa kanilang kinalulugaran na munting bintana ang mga mumuting ilaw na nagkikilaspan at ang dumadagundong na tugtugan mula sa kabilang ibayo. Dahil gabi na rin, nakaramdam sila ng pagkabagot at pagka-antok. Doon mismo sa sala sila nakatulog habang hinihintay ang pagdating ng kanyang mga kapatid at ina (lola ko).
Sa kalagitnaan ng pagkahimbing nakaramdam si mudra na parang may isang taong nagmamasid sa kanya. maingat at paunti-unti nyang minulat ang kanyang mga mata upang tignan kung tama ang kanyang sapantaha.
May isang lalakeng nakamasid sa kanya habang nakaupo sa tabi ng bintana, dahil madilim, hindi nya masyadong maaninag at mamukhaan kung sino iyon, unti unting inalis ng lalake ang tingin sa aking mudra at nilipat ang tingin sa labas ng bintana kung saan kita ang mga mumunting kislapan ng ilaw mula sa kabilang ibayo.
Naisip ng aking mudra na baka ito marahil ang pinadala ng kayang ina (lola ko) para sila ay mabantayan habang wala pa. Ngunit, datapwat at subalit ng gusto na ulit matulog at humimbing ng aking mudra, napansin nyang wala ang mga paa ang lalake at wari moy nakalutang. Hindi natakot ang aking ina dahil naisip nyang bka madilim lang kaya ganun. At sya ay nakatulog na.
Nagising syang mataas na ang sikat ng araw at nakauwi na rin ang kanyang ina (lola ko) kasama ang kanyang mga nakatatandang kapatid. Ng makita nya ang kanyang ina (lola ko) tinanong nya agad ito:
Mudra ko : “Nang, ating matwang lalake keni kagabi, ninu ita?” (Nay, may matandang lalake dito kagabi, sino yun?)
Ina nya (lola ko) : “Tabalu ku keka, ay ali, ita yang apong teryo, ikit me? sabi ku bantayan ne keu” (Aba malay ko, err hindi, si apong teryo un, kita mo ba? pinakisuyo ko kau sa kanya na batayan kayo)
Pero kinabukasan, kinausap ng masinsinan ng kanyang ina (lola ko) ang aking mudra tungkol sa lalakeng nagbantay sa kanila. Sabi ng kanyang ina (lola ko) na hindi daw pala si Apong Teryo yun kasi hindi naman nya sila pinakisuyo na bantayan, sabi ng ina nya (lola ko) na baka yun daw ang kanyang ama (lolo ko) dahil naiwan silang 3 lamang sa munti nilang tahanan, binantayan daw sila nito.
Doon kinilabutan ang aking ina dahil 3 taong gulang pa lang sya nung sumakabilang buhay ang kanyang ama (lolo ko) kaya di nya mawari ito. Sinabi lang daw ng kanyang ina (lola ko) na si Apong Teryo daw yun para hindi matakot si mudra, pero sa kabila nun napilitan na rin sabihin at aminin ng kanyang ina (lola ko) na baka ang matandang nagbantay sa kanila magdamagan ay ang kanyang ama (lolo ko).
Dwende October 18, 2008
Since malapit ng ang Haloween gusto ko lahat ng entry ko this month til November 2 ay tungkol sa katatakutan… And this is my first horror entry..uhhmmm, ndi naman horror talaga mga suspense siguro..mga ganun…or medyo fantasy na rin, watevah. Ito ay hango sa sariling eskperyensa. Walang bahid na kasinungalingan.
Nung bata pa ako, mga 7 yrs old siguro, tuwing sasapit ang Mahal na Araw nakagawian ng buong family ng mag vacation yearly sa Pampanga since duon lumaki ang aking Ina at doon nakatira ang aking lola ant iba pa nyang mga kapatid.
Parang reunion ang mangyayari dahil Abril at walang pasok sa eskwela, syempre nagkita kita ang mga magpipinsan.. Kwentuhan dyan at kwentuhan ditoang nangyayari, maingay, kahit magkakalapit na kung mag-usap nagsisigawan pa rin, ganyan talaga ata ang mga kapampangan. Sanay na ako.
Nagkatuwaan kaming magpipinsan na kumuha ng kamachile, alam niyo yun? Yung parang beans na color red pag hinog at green nman kung hindeh, wait nga, hanap ako piktyur.(at sa kasawiang palad wala akong nakita). Basta masarap yun!
Well, anyway, mabalik sa kwento, Pumunta kami sa likod ng bisitas (maliit na simbahan) mga 50 metres lang ang layo nun sa bahay ng aking lola. Duon ka makakatagpo ng mga puno ng kamachile na hitik sa bunga. Lahat sila umakyat sa puno kabilang na ang ate at kuya ko para mamitas, at dahil ako ang pinakabata sa grupo, ako ang naiwan sa ibaba para kunin ang mga ibabato nilang bunga sa akin.
Medyo na-iihi na ako ng oras na yun at di ko na kaya pang pigilan, dahil bata pa ako at wala namang malisya pa at dahil ulit puro naman kamag-anak ko ang mga kasama ko, dun mismo sa puno ng kamachile inilabas ko ang init ng aking katawan. Umihi ako sa paanan ng kamachile.
Umuwi kaming masaya dahil napakadami naming kamachile na naiuwi na ikinatuwa naman ng aming mga magulang, peyborit ng sambayanan!
Kinagabihan, lumaki ang aking kanang kamay, unbelibabol? pero totto kahit ako mismo hindi makapaniwala. Natakot ako?? hmmm..medyo pero mas natakot ako sa maaring mangyari sa aking napakagandang kamay. Sabi bka daw nakagat ng kung anong insekto sa kagubatan, pero wala naman akong maramdamang kahit ano na kumagat sa akin. Tska kung saka-sakali mang kagat yun ng insekto grabeh namang maga ang nangyari.
Dahil nsa probinsya kami at alam mo na ang pag-iisip ng mga matatanda duon, naisipan nila na isangguni namin sa albularyo ang aking kalagayan.
Tumawid pa kami ng kabilang ibayo gamit ang bangka para lang makarating sa isa sa pinakamagaling na albularyo dun sa lugar namin.
Unang tingin pa lang ng albularyo sa aking kamay, alam niya kung ano nangyari. Para makasigurado, tinawas niya ako.
Alam niyo yung may kandila tapos may puting planggana na red yung edge na medyo puno ng tubig, ayun… Tamang Ganun. Tapos kinuha niya yung kandila at lahat ng nattunaw nilalagaw niya sa kutsara sabay ibubuhos nya sa tubig, at dun may mamumuong kung ano.
Tinanong nya ako, kung umihi daw ba ako somewhere, gusto ko sanang magsinungaling pero sa huli napadesisyunan kong sabihin din ang totoo, Edi sabi ko sa albularyo, “OPO”.
“Saan?”, tanong ng albularyo, sabi ko, “Sa likod po ng simbahan”.
Yun naman pala, sabi nya, na-ihian ko daw yung kamay nung dwende kaya gumanti hindi daw kasi ako nagsabi ng “tabi tabi po nuno”.. weird.. dahil bata pa ako nun, naniwala ako sa sinabi ng albularyo.. hanggang sa lumaki ako, dala dala ko ang mga pangyayaring iyon, tumatak na sa aking isipan. Kaya kpag may kwentuhang nangyayari, lagi kong sinasabi ang eksperyens ko na yun. Kaya hanggang dito sa blog dala-dala ko. Pero hanggang ngayun hindi ko pa rin alam kung maniniwala ako or hindi sa dwende.
Sana manalo ako… October 4, 2008
I joined the contest in WPP named WPP Treasure Hunting Contest. Yipee!!!
When they announce this in our forum wp-pinoys , nag comment agad ako na, mag-preprapare na ako kasi i want to join but that time di ko pa rin talaga alam if paano sumali kasi wala pa msyadong details and when i visited again our forum I was extremely excited about this lalo ng nung mabasa ko yung mga prizes. Cause I was planning na din to buy my own domain suppose to be by next month and since I’m still not yet decided sa pinaka final name ng magiging domain ko and most importantly wala pa ako budget (yun yon eh..)..huh..huh…
I visited wp-pinoys yesterday and I found out na malapit ng mag close yung contest, kaya dali-dali kong binasa yung thread if how to join and what are the requirements and here I am now wishing na mapabilang sa list.
Here’s the prizes!
WPP Treasure Hunting Contest Grand winner will get:
Advance Plan
1 Domain name and Hosting (1 year)
500MB Disk Space
100GB Bandwidth
10 MySQL Database
Unlimited Email
99.9% Uptime
24/7 Tech Support
First Runner Up will get:
Basic Plan
1 Domain name and Hosting (1 year)
100MB Disk Space
20GB Bandwidth
5 MySQL Database
Unlimited Email
99.9% Uptime
24/7 Tech Support
Second Runner up will get:
Cash (will be sent via PayPal)
O-Dvah? Exciting , lalo na sa akin na nag-uumpisa pa lang pasukin ang mundo ng blogging, malaki ang mai-tutulong sa akin nito. Thanks wp-pinoys, you guys Rocks! Kaya Sali na!
How to Enter to this contest?
1. Only registered WPP members only. (one down!)-Last August when I joined wp-pinoys.
2. Only members who don’t have their own domain yet are invited to join the contest. (Please, pagbigyan natin ang mga wala pang sariling domains, yung may meron na, wag na pong sumali. hehehe!) (two down!!)- hahaha..wala pa talaga akong domain..as in..
3.You need to have at least 50 forum posts. (Kung below 50 posts ka pa lang, mag post na ng marami bago mag Monday, Oct 06, 2008.) (Three down!!!) 114 posts na ako! yehey!!!!
4. Blog about this contest on your blog and add these links: (Four Down!!!) hehe…ito na po yun!
WPP Treasure Hunting Contest Sponsors
PanelHoster.net
flipclan.com
zaldydalisay.com
wpthemedesigner.com
digdesignz.net
Oha! Panis! Walang kahirap-hirap! Inumpisahan kong gawin ng 2:25PM at 4:35PM na ngayun di pa tapos! san ka pa! 2 hrs..tsk! Birthday ko last month at ito ang gusto kong gift sa sarili ko ang magkaroon ng sariling domain, malaki ang maitutulong sa history ng buhay ko kapag ako ay pinagbigyan manalo sa contest… waaahhhhhh!!!! Pero ok lang kahit hindi ako manalo, pagmamasdan ko na lang ang site nung mga nanalo sa contest sa monitor ng computer habang tumutulo ang luha ko sa kanang mata (kasi hirap tumulo yung luha ko sa kaliwa) at sumisigaw ng “WAAAHHHH GUSTO KO NYANNNNN!!!*
Web Based Instant Messenging October 4, 2008
A-huh! If you are working in a company that provides internet access like me, most probably that Internet messenging system like yahoo messenger, skype or msn is blocked in your network like me again! And yes! one obvious reason why IT or the management is blocking the chat or any IM services is for their employee to concentrate in their job (naiintindihan ko naman sila eh pero sana naiintindihan din nila ako). I believe that they are in the position to do that and that obstructing the access of online instant messanging system is at the best interest of the company as a whole. With the yahoo messenger installed and running on workstation in office, the temptation to communicate with your cyberfriends and relatives is really great. As a result, it will eat up the productive time of the employee in which he or she is supposedly using for his or her job assignment and tasks.
Syetness bakit ako nag-eenglish baka mabasa ng mga panang IT namin ito , patay na ako..ok.. sya..sya..mabalik tayo…pero sa kabilang banda alam mo yung kating kating nayung kamay natin na makipag chat sa mga kaibigan at kamag-anak lalong lalo ng tuwing araw ng linggo kasi wala silang pasok sa pinas, tapos tayo naman dito sa Middle East may pasok, lam niyo yung feeling na yun! Minsan thru email na lang kung makapag usap kaso ang hirap minsan trapik ang tagal makapag sent and makatanggap ng message. Eh paano na lang kung emergency, tapos hindi makontak yung phone mo or wala kayong parehong load, alam mo yung mga scenario na ganun na hindi natin maaring iwasan…
IT Admin might be blocking the yahoo messenger, skype or other instant messaging system but could this suffice their goal to prevent online messaging access on their network? Have they considered 3rd Party social instant messaging compatible for multiple instant messaging platform or the web-based im applications? IM Users on the other hand might choose using third party instant messaging software so they can access their favorite messaging system at work. These sites could be a work around so you can access yahoo messenger, skype, aol, etc.. even if they were blocked by the IT admin. Hep! Hep! English na naman..ehem!
First I used Meebo Instant Messenging Everywhere
Meebo
is a website for instant messaging from absolutely anywhere. Whether you’re at home, on campus, at work, or traveling foreign lands, hop over to meebo.com on any computer to access all of your buddies (on AIM, Yahoo!, MSN, Google Talk, ICQ and Jabber) and chat with them, no downloads or installs required, for free!
Kaso sa kasawiang palad na detect ng IT namin so they blocked this site. Grrrrrr…
Second I used RadiusIM
RadiusIM relies on location-based features to differentiate it from other web-based instant-messaging services. It offers access to key IM services such as AIM, Yahoo Messenger, MSN Messenger and Google Talk, and it lets you search for other RadiusIM users based on their location.
You have to register first before using this web-based im apps. You must supply an email address, a birth date, a post code and your country, after completing the initial RadiusIM registration, you can choose to have RadiusIM connect you to your IM accounts automatically when you log in. Pero sa kinamalas-malasan pa rin, na detect na naman ng bwakanang IT namin so SITE BLOCKED!!!
Third and what I am using now KoolIM
KoolIM is a web application that allows you to stay in touch with your friends over their favorite instant messengers almost anywhere. You only need a web browser (e.g. Firefox, Internet Explorer, Opera). With KoolIM there is no need to have multiple chat programs. There is no need to download and install any additional software or plug-ins into your computer to use KoolIM Web Instant Messenger. Any recent graphical browser will work (e.g. Firefox, Internet Explorer, Opera). Currently you can use KoolIM to talk with friends on MSN, Yahoo, AIM, ICQ, Google Talk and many other popular networks. 2 weeks ko syang ginagamit, kaswertehan hindi pa sya na dedetect ng IT namin pero kung saka-sakali man mahuli at ma-blocked for the 3rd Time, No problemo senyorito/senyorita dahil madami pang nakapila. Har-har-har!!!
Fourth Ebuddy-Web and Mobile Messanging
eBuddy is a free web based messenger that enables you to chat with your MSN, Yahoo, MySpace, Google Talk, MySpace and AIM buddies. No downloads or registration required.
To use the web version of eBuddy, all you need is a Javascript enabled browser on your computer. You can access eBuddy from any computer or location and it even works behind a firewall. Whether you’re at home, school, at the library or at work, surf over to eBuddy and login with your account to start chatting.
Fifth ILoveIM
ILoveIM lets you connect to AIM, Google Talk, MSN Messenger or Yahoo Messenger from its home page. You can sign on using your existing screen name and password, but you can’t connect to more than one service at a time. Less sophisticated than other web-based IM applications.
Sixth Trillian – One Messenging a Trillian Possibilities
Trillian™ is a fully featured, stand-alone, skinnable chat client that supports AIM, ICQ, MSN, Yahoo Messenger, and IRC. It provides capabilities not possible with original network clients, while supporting standard features such as audio chat, file transfers, group chats, chat rooms, buddy icons, multiple simultaneous connections to the same network, server-side contact importing, typing notification, direct connection (AIM), proxy support, encrypted messaging (AIM/ICQ), SMS support, and privacy settings.
Trillian provides unique functionality such as contact message history, a powerful skinning language, tabbed messaging, global status changes (set all networks away at once), Instant Lookup (automatic Wikipedia integration), contact alerts, an advanced automation system to trigger events based on anything happening in the client, docking, hundreds of emoticons, emotisounds, shell extensions for file transfers, and systray notifications.
Seventh IMhaha
With IMhaha, you do not need to download any software onto your computer. Just go to www.imhaha.com from your Internet browser, and log on with any of your IM accounts (MSN, Yahoo!, AIM, or QQ) and start chatting with your buddies. You can log onto multiple IM systems with multiple user accounts at the same time and stay connected real-time with all your buddies. IMhaha’s supports IM conference so you can chat with a group of buddies no matter which one of the four IM systems (MSN, Yahoo!, AIM, and QQ) they are using.
The IMhaha’s Easibo feature lets you can collaborate with your friends in real-time on a commonly shared online white board. You can also create your profile which includes all the IM accounts you have with MSN, Yahoo1, AIM, or QQ. With your profile, you can enjoy the benefits of single sing-on: logging in with one messenger account, you automatically log into all other messenger accounts you specified in the profile.
Eight Easymessenger
Free instant messenger service that runs entirely from your web browser. Combine your MSN, ICQ, AIM, Yahoo! and Jabber contacts into one solution.
Now you can use your instant messenger at school, work or just at home without having to install software. Also includes build-it RSS reader so you are always up-to-date with your favorite RSS feeds.
Madami pang listahan pero sa ngayun ito muna ang mai-rerecomend ko kasi ito pa lang yung mga natrytry kong gamitin. Sana makatulong sa inyo katulad ng napakalaking naitutulong sa akin. Yebah!















































