LHAY

Ay P*ke! August 27, 2008

Filed under: Kahit Ano lang — lhay @ 5:29 am

Patawarin niyo ako kung medyo R-18 ang aking title:

Ito lang naman ang aking expression kpag ako ay nagugulat. Kahit saang lugar, wala akong pinipili: Public toilet, Bus Stop, kalsada, mall, tindahan ni aling conching sa pangalawang kanto, gas station, restaurant, elevator, excalator, walkator, sa madilim na sulok ng sinehan, sa taping, guesting, bar, sa park, beach, ilog, sapa, creek, kanal, sa loob ng airplane, airport, sa bahay ni mang tuknene sa gilid ng bangin, simbahan..as in..lahat ng lugar, wala talga akong pinipili…

Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat, hindi ko alam kung saan ko napulot ang idiomatic expression ko na ito, hindi ko alam kung saang parte ng mundo ko narinig ang salitang ito, hindi ko alam, hindi ko alam….basta kinalakihan ko ng yang salitang yan ang aking nababanggit…

Nakakahiya? Isang malaking “OO” ang isasagot ko sa inyo, nakakahiya sa madlang people na nakakarinig, nakakahiya sa mga madre at pare sa simbahan na nakakakikig, at nakakahiya kay Mang nato na magbubukid..

Anong magagawa ko hindi ko mapigilan, kung pwede lang sana..matagal ko ng ginawa, hindi niyo na ako klangang sabihan pa, kung magagawa ko lang, matagal ko ng binago ang idomatic expression ko na ito..

Madalas mangyari na habang naglalakad ako sa kalsada at ako ay nagugulat nasasabi ko ang katangang “Ay! P*ke!”, minsan may  mga tao sa paligid na hindi ko kilala na bigla na lamang sasagot ng “Asaan? Nang maulam” o kaya “Asaan? Ng mapulot at maidaing”…

Babae po ako, at hindi ko sila kakilala, kaya syempre bilang isang dalaginding, normal lang na ako ay mahiya at maglakad papalayo habang nakayuko…Nadala ko ang expression na ito hanggang dito sa dubai, lalo na sa loob ng aking opisina. Buti na lng ang mga pinoy na ksma ko ay puro babae at ang mga lalake ay mga indiano.

Hindi kaya sila nagtataka kung bakit ko lagi nababanggit yon? Or klangan ko magpasalamat kasi sila ay indiano? Malamang oo, klangan ko magpasalamat kasi kahit anong gawin ko at piliting baguhin ang aking nakagisnang expression ay hindi ko talaga makaya.

 

 

 

Happy na Birthday pa!!! August 25, 2008

Filed under: Kasalukuyan — lhay @ 8:23 am

Gusto kong magpasalamat sa lahat ng bumati sa aking kaarawan, sa aking kaibigan at kachokaran, mga kainuman, katagayan at kachorbahan, sa mga impakters, inamerks at mga kurimawers!!!!

SALAMAS…SALAMAS…

Sampung taon ko ng ginagawa ang aking ritual tuwing sumasapit ang aking kaarawan. Pero ikalawang taong ko ng i-cecelebrate ito ng malayo sa Pilipinas. 3 oras bago sumapit ang ikaw 12 ng umaga ng Agosto 24 ay hinahanda ko na aking damit na gagamitin sa special na okasyon na darating. Gusto kong salubunging mulat ang aking mata at humihinga na maluwag ang dibdib pag sapit ng 12 ng umaga ng Agosto 24.

Magdarasal ng taimtim, magpapasalamat sa may kapal sa mga biyayang natanggap at matatanggap , magpapasalamat din sa panibagong taong ibibigay sa akin at hihingi na rin ng kapatawaran sa lahat ng kasalanang nagawa…

Alas 2 na ng madaling araw ng matapos ko ang aking ritual pero ni hindi ako nakakaramdam ng pagka-antok, siguro dahil excited sa mga regalong matatanggap! (whaha! ang kapal!). Sinilip ko ang aking roaming mobile pagkatpos, expecting na may bumati na mula sa kaibigan at kamag anak sa pinas,,, 4 message received. (AYOS!)

1st message:  From 2977, “Globe Long weekend uli!, Sarap sana bumiyahe sa sarili mong HondaCity! Txt 12 to 1212 at bka ikaw na ang next winner! P7/dload DTU2590 NoFREEinfo? Rply STOP.”

2nd message: From Etisalat, “Etisalat welcome you back to UAE For any enquiries or information about our services please call our Customer Service Number 101 – We are at your service”

3rd message: From +639167128529, “d2 ka mag reply load mo ako 150pesos”

4th message: From 2346, “US DOLLARS Mo, Sagot Ko! Reply DATUNG now! You can win P100,000 THIS WEEK! Join w top3mp3 P30 3x/wk for mp3 phones only DTI 2548 Today is FREE! Reply DATUNG

Reactions:

Para sa 1st message, pang-gulo ang globe! kala ko pa naman nanalo na ako ng HondaCity, magandang panimulang regalo sana sa akin eh kaso hindi, asa pa ako, gusto ko sanang magreply kaso not allowed kpag naka roaming na, sayang din ang load bka sakaling manalo sana..

Para sa 2nd message, Etisalat “OK KA LANG?” mag tatatlong buwan na ako dito sa dubai simula nung bumalik ako from vacation ng pinas, yang customer service number 101 mo na yan, pwede niya ba akong batiin ng maligayang kaarawan kapag tinawagan ko? hindi naman db? walang kwenta!..

Para sa 3rd message, ano ito lokohan??? kaninong number ito, bakit number lang ang lumabas at hindi pangalan? bkit wala sya sa phonebook ko? at wala naman akong katext, at ang tibay pa ng mukha niyang manghingi ng load sa akin at 150pesos pa, saang sulok naman ng dubai ako maghahanap ng load para sa Globe noh??? Halleerr, tska bakit ko siya bibigyan, kilala ko ba sya??? Kapal ha!!

Para sa 4th message, talaga sasagutin mo ang dollars ko? kaso dirhams gamit ko dito eh, pwede bang convert mo na lng from dollars to dirhams,tska free reply datung? Ano naman yun, free tapos reply datung, db meaning ng datung pera??? edi ibig sabihin free na pera!!! Wachepache!!!

Ok lang, maaga pa, alas 3 pa lng ng madaling araw, pero 7am na sa pinas, maaga pa din kahit papano!!! Antay ka lang.. hinayaan kong bukas ang ym ko, lahat ng nka login ng oras na yun, binati naman ako kaya salamat sa inyo.

Hindi na ako nakatulog hanggang sumapit ang 5 ng umaga, naligo na ako at nagpatuyo ng buhok, kinuha ang damit at nagbihis na rin, inayos ang mga babaunin at bumalik ulit ng banyo para maglagay ng konting makeup at para kulutin na rin ang buhok. 7am dumaraan ang service, 6:50AM na! 10 minuto na lang, dali-dali kong inayos ang aking buhok at kinuha ang aking bag at baunan, kasi maglalakad pa ako ng 5 minuto bago ako makarating sa bus stop. Buti na lng sakto pagdating ko dun, wala pa akong isang minutong naghihintay ng matanaw ko ang aming service, dali-dali akong sumakay at umupo.

“Oh, bakit ka pumasok? kala ko aabsent ka?” tanong sa akin ng aking katabi, sagot ko naman “oo nga eh, kainiz, kaso alanganin, bago ang amo ko at ngayung araw ang simula, hindi ako pwedeng lumiban!”  pagkakataon nga naman…

Nakarating ako ng trabaho ng matiwasay, binuksan ang computer, pagkatpos outlook! 4 new unread messages!! Ito na naman po tayo! Ayokong umasa!!! Bka kung ano nnaman ito. Sa kabila ng pagmumuni muni, binuksan ko din ang aking INBOX!!!

1.”HAPPY BIRTHDAY GURL”, 2. “HAPPY BIRTHDAY”, 3. “BIRTHDAY MO PALA”, at 4. “MALIGAYANG KAARAWAN”.

Ang mga mensahe ay mula sa mga kaibigan sa industriya. Mula sa mga kaibigan at kachokaran, mga kainuman, katagayan at kachorbahan, sa mga impakters, inamerks at mga kurimawers!

Mga pagbati ng stay sweet as you are, stay pretty , cute and sexy, more birthdays to come, goodluck to your career, and lovelife..etc..etc…

Syempre, hindi ko inexpect yun, charing!!! Nagpakipot ako, HINDI KO BIRTHDAY NGAUN!!! MATAGAL PA BIRTHDAY KO, SA FEBRUARY 30 PA!!!

Halatang nagsisinungaling sa mga taong mabilis ang pickup!! Pero sa mga taong medyo…alam mo na…mga kulang-kulang..syempre mga naniwala…Sunod-sunod na ang text at tawag, san ka magpapakain? saan ang inuman? saan ang handaan? Ano na, jan ba tayo sa pwesto mo maglulunch? Magpakain ka naman..

Ito na nga bang sinasabi ko kaya ayaw kong ibalita sa madlang people na birthday ko, GASTOS!!! wala na akong kawala, na corner na ako, cge lang..cge lang..Bilhan ko kayo ng shawarma pero sa abu dhabi nga lang tska libre niyo ako pamasahe papunta dun!!! Ang walangyah ko daw kasi abonado pa daw sila tska ang kuripot ko naman kasi bakit shawarma lang, “buti nga meron pa eh, cge samahan na rin natin ng choknat para may desert, kanya-kanyang inumin tayo ha?”

Sakit na rin ng tenga ko sa sobrang dami ng caller ng lola niyo, daig ko pang nagtrabaho sa call center, cge na! Sa Thursday ng gabi Aug 28 para walang pasok kinabukasan, party tayo sa aming munting tahanan, Videoke at Inuman! Siguraduhin niyo lang na busog na kayo pagpunta niyo kasi wala akong ipapakain sa inyo or pwede din kayo magdala ng pagkain at pulutan, “OK LANG YUN, HINDI NAKAKAHIYA SA AKIN…”

 

Wasted DAY August 22, 2008

Filed under: Araw-Araw — lhay @ 6:23 pm

Friday, sa mga nag wowork sa middleast itong araw na ito ang pinakamasayang araw. Dahil ito ang araw na makakapag pahinga kami sa trabaho. Swerte pa nga ung iba, kasi may mga company na Friday and Saturday ang OFF. Maaga akong nagising ngaun, isa itong himala!!! Usually, kpag friday, hapon na ako nagigising pambawi puyat pero ngaun kahit lagi akong puyat maaga pa rin ako nagising, bakit kaya? Tingin niyo alam niyo? Kasi ako hindi ko din alam, bibihira mangyari ito sa akin, kaya kaylangan maisulat ko ito dito.

Haayy, salamat buhay, wlang pasok! Sarap, ano kaya magawa ngaun? nakakatamad tumayo, hindi pa nmn ako gutom kaya hinayaan ko lang yung sarili kong nakahiga habang nakatingin sa kawalan. Puting kisame, puting ding-ding, puting ilaw, hmp! Ano ba? Esep-esep, ano gagawin mo ngaung araw na ito?? Sinilip ko laptop ko kung sinong naka online sa ym, WALA!!! Mga tulog pa siguro, ung iba nmn sa pinas nasa trabaho, mga walang kwenta, WAAAAAAAAAAAAHHHH!!!! Wala ako maisip gawin, hindi pwede ito, wala pa din kami sweldo kaya hindi rin ako makapag lakwatsa! Nakaka boring! Nakapag laba na ako kagabi, maya-maya ko pa kukunin ung mga sinampay, tska ilang minuto ko lang gagawin un, after non, ano na ulit gagawin ko???

Tumingin ako sa orasan sa ding-ding, 2 hours din akong nagmuni-muni, nakakabingi ang katahimikan dito sa kawarto, bwisit! Pati tiktak ng orasan, napapakinggan ko na! Binuksan ko bigla ang TV, buti na lng may Pinoy TV dito sa Dubai, sakto! Eat Bulaga ang palabas, khit papano nakakatawa ang palabas, pero ito ay panandalian lamang..Natapos na ang palabas, hindi pa din ako tumatayo sa aking higaan, nakaramdam na naman ako ng antok, cge lang tulog pa ako ulit, kulang pa kasi ang tulog ko.

Nagising akong mataas na araw sa labas, lagpas tanghali na, nakakaramdam na ako ng gutom, tinatawag na ako ng kusina, nagrereklamo na ang mga alaga kong bulate sa tiyan, mga sinampay ko natutong na sa araw, mainit pa rin sa labas, kinuha ko ang mga sinampay, nilagay ko sa tabi tska ako jumingel! Naisip ko tuloy habang ako’y jumijingel, paano kayang minsan subukan kong jumingel na nakatayo. Ano kaya mangyayari! Ah, wlang kwentang pag-iisip ito puro na naman kalokohan mga naiisip ko, cguro gutom lang to kaya kung ano-ano puamapasok sa kukote ko.

Pag katapos ko maghilamaos ng mukha, dumerecho na ako ng kusina, 2 days from now, Birthday ko na pala, wala pa kami sweldo, nagtatanong na mga kaibigan kong tomador!  Punong-puno ng message ang celfon ko, san daw tomaan, ung iba pati sa friendster ko nag comment pa, san din daw ang tomaan!! Ano ba sila, na sa  middleast kami, bawal alak dito, pero walang bawal-bawal sa mga sunog baga!!!  Tska may natatago pa ako ditong alak, 2 bote pa din ito, nabili ko pa sa duty free nung dumating ako galing vacation ng pinas, buti na lng may pakibanang ka!!! Sa wakas, maiinom ka rin, sulit ang pagtatago ko sa inyo, mabibinyagan na kayo sa kaarawan ko.

Nag sangag ako , itlog na pula na may kamatis ang ulam ko, madami dami din akong nakain. Burrrrrfffffff!!! salamat po, nabusog talaga ako. Niligpit ko na ang pinag kainan at hinugasan, tinupi ko na rin ang mga sinampay, wala na naman akong gagawin kundi tumunganga, mahaba haba pa ang oras,watta day! Walang kwenta ang araw na ito, wala akong na ipamahaging importante sa mundo. Nahiga ako ulit, nag check ng email, ayos madaming nag send ng kung ano-ano, pero yung kung ano-ano na yun mga wala ring kwenta!!!

Matatapos ang araw ko sa mga walang kakwenta-kwentang bagay, wla pa kasing sweldo kaya hindi tuloy ako makalabas, sana bukas pag gising ko may laman na ang Debit Card ko..

 

Stories in Kish by Request August 21, 2008

Filed under: Mga Nakaraan — lhay @ 8:46 pm

 

Hah!…Hah!…(Hingal….hingal….ehem…uboh! uboh!)

Time First lang po…3…2…1.. o Game na!

Senxa na po, medyo hinihingal pa ako at kadarating ko lng, kaso nag message sa akin ang ang aking friend at ka-kishter ko na nag ngangalang Jhoi http://profiles.friendster.com/eihbvv  , request niya, lagay ko daw sa blog ko ang story ng Kish.

Introduction:

Ano ba ang kish? sa lahat ng hindi nakaka-alam, ang Kish ay isang Isla na nasasakupan ng Iran. Lugar na peboritong puntahan ng mga taong nag-eexit ng dubai. Kilala din sa bansag na “masurot na lugar”. Bakit ka niyo? Haayyy, lahat kasi ng sulok ng hotel sa kish ay may surot!!! Pwamis! Lahat ng taong dumating ng Dubai as visit visa ay nakarating na ata ng kish. Way of transportation, by air and by sea. Kapag by sea 4 hours ang byahe, 1 beses sa umaga Dubai-Kish at 1 beses din sa hapon Kish-Dubai mga 800dhs (10K in pesos)  ang fare including another visit visa for another 2 months. By Air, mga 20 minutes lang ata ang byahe, late ng kung aabot ng 30 minutes, hindi pa umiinit ang upuan mo sa airplane sa pag take-off, mararamdaman mo lumalanding na agad ung eroplano or hindi mo pa nauubos ang mani mo (usually kasi 1 pack of mani, 1 tetra pack of juice & 1 cupcake ang pinapakain nila sa mga pasahero ng Kish Air) ayan na at dumadating na ung stewardess nila para kunin ung mga basura mo dahil lalapag na ang eroplano. 1500dhs (20K in pesos) ang fare back and forth including visit visa for another 2 months. Eh di yan nakalapag na sa Kish Island, ngaun kung wala kang damit pantakip ng balat mo sa kish, ok lang yun kasi sa airport ng kish provided na nila yun, long sleeve na blouse na below the knee ang haba tska bandana pantakip ng buhok, you can choose the color you want, available in yellow, blue, violet , pink..etc.. anong makikita mo dito?

Ang Kish:

Mukhang corregidor ang Kish.. Luma ang structure, ngaun pa lang din kasi nag boboom ang place nila, lumalaki ang kita ng bansa nila dahil sa pag dating na rin nga mga tao sa lugar nila. Isa sa pinakasikat na hotel dun ay ang Farabi, mantakin mo ba naman, sa sobrang sikat at laki ng kita nila, umabot na sa 5 ang franchise nila. Pagdating mo sa airport nila, may bus na mag-aantay sau para ihatid ka sa Farabi! Sobrang dami ng mga kabayan natin na nandun, lahat ng klase ng tao makakasalamuha mo, iba’t iba ang mga karanasan, kanya-kanyang kwento. Ang 1 araw sa Farabi ay 35 Dhs (400 pesos), xempre check-in ka, surrender mo sa reception ang passport mo. Tapos un bibigyan ka nila ng kwarto ay mali bedspace pala..hehe, kasi nagsasama sama ung mga kabayan natin sa iisang kwarto, minsan ung pang 5 person per room , nagiging 10-15 persons per room sa sobrang gahaman nung mga tao sa hotel na kumita, ala, pilit kang isisiksik dun sa hotel nila, basta nkapag check-in ka na, wala na silang pakilam sau, bhala ka na sa buhay mo! Ung iba A-A lang, Airport to Airport kasi hawak na nila ung visa nila pagdating ng kish kaya all they have to do is magpa book na agad pabalik ng dubai, pera menos gastos, sayang din kasi kung mag checheck-in pa sila, 35dhs din un! pero ung iba nmn A-A din, as April-August! Kawawa ung mga kababayan natin dun na nagaantay ng visa, ung iba nakalimutan na ata ng mga kaibigan nila sa dubai, ung iba nmn nakalimutan na ata ng mga employer nila.

Maawa ka nmn din, malaking tulong na ung pagbibigay mo ng pagkain sa kanila, ung iba sumaside line, manecure, pedicure, masahe, gupit, kulot, name it, meron gumagawa niyan na mga kabayan natin kumita lng ng pera at makaipon lang ulit ng pambayad ng visa nila meron pa nga nagbebenta ng aliw eh may makain lng (Uyy, sekreto lang un ha?). Nakaka-awa tlga, tanungin mo sila pang-ilang exit na nila, minimum na kilala ko mga nka 3 exit pero hanggang ngaun , wla pa rin work, ung iba nga jan nka 7 exit na eh! (Uuuyyy! may nasasaktan jan, may tinamaan!) hehe. Pero in fairness sa kish, hindi naman din lahat ng kapangitan makikita mo dito, honestly to say , in my own experience, nag enjoy ako sa pag punta ko sa kish, bakit ulit? Magaganda din nmn ang mga malls nila at madami ding tourist spot.

Nearest Mall, mga 5 minutes driving lng mula farabi, taxi nga pla, mura din, ung 5 dhs mo, malayo-layo na din ang mapupuntahan niyo. nwayz, bukod sa mall, may beach din, may mga bar sa tabi ng beach, sarap tambayan tuwing gabi habang nag-shishisha ka. Shisha? (Dami nmn question!) Ito ung sikat na hinihigop na parang sigarilyo na herbal  de flavor (nakaka-adik!) 5 dhs lang ito per flavor, available in mint, strawberry, apple, orange.. kanya-kanyang pipa ang gamit, libre pipa nito, tapos ung umiikot-ikot ung hose niya para bang tumatagay style, whaha…Then beach nila, open area, pwede ka maligo at mag picnic sa tab-tabii , then ihaw-ihaw na din. Kaso ingat kau sa mga pilipinong bading dun, ay naku po! nag-kalat, nag hahanap ng mabibiktima, sabi ko inyo, kapwa pilipino din ang bibiktima sau at maglulubog sau sa kumunoy…Pinoy tlgah mga Pazaway! May mga nagkakagustuhan din dun, sa loob lng ng isang araw na pagsasama nila, nagkakahulugan na agad sila ng lamang loob. kaya pagbalik nila ng dubai, may bf ka na, o db instant boyprend! Ingatan mo din gamit mo, ika nga, dont leave your things unattended, mga desperadong pilipino dun mga nagnanakaw na lng, un ung mga taong 1 bwan na mahigit nsa kish pa rin kasi wlang pera pambili ng visa, tapos bukod  dun lubog pa sa utang nila sa hotel, magkano rin ung 1 month hotel nila dun kung 35 dhs ang per day, kaya un! Ano ba yan, bumalik na naman ako sa kagkwekwento ng mga pangit sa kish, sabi ko meron din naman magagandang pangyayaring karanasan (Kulit ko!). Uyyy, oo nga pala, tourist guide nila bisaya na comedian na bading! Galing magpatawa…pati ibang lahi, aliw na aliw sa kanila, mga talentado talaga ang mga pinoy!!! Bayad ka lang ng 10Dhs, for 4 hours na ring tour yun, dami niyo na mapupuntahan. May mga ship na almost 100 years na rin ang tanda, nandun lang hindi na nila inaalis, na-trap na! Tapos mga undergound hotel, may dolphin adventures din. O yan. edi ok na, tanggap mo na ung visa mo, ready ka na ulit bumalik ng Dubai.

Onother preparation na naman para sa another 2 months mo as visit visa, kpag ala ka pa rin nakuhang work, back to kish ka naman!!!

Note: Iba na po ulit processing ng visa nila dito, for more information about visa, just log-on to www.gulfnews.com

 

 

Ang Katotohanan sa Dubai at iba pa…

Filed under: Dagdag Impormasyon — lhay @ 8:01 am

Ito ay hindi lang sa lalaki huwag na kayong magpilit na pumunta dito sa Dubai.

Kung titingnan natin sa magazine at mga lathalain dahil ang Dubai ay talagang pinagaganda lalu upang marami pang maakit na mga turista.

Walang exceptions basta pagkakakitaan nila…. Recruiter, fixer, agent, 2nd agent, 3rd agent, at marami pang iba. Ang malakas na pinagkakakitaan ng syudad na ito ay ang turista.  Nandito sa Dubai ang lahat ng kasamaan, maswerte ka kung nauna ka na at nakapwesto ka na ng magandang trabaho.

Sa pandinig at sa mata maganda ang Dubai, pero ang loob ng Dubai pag nandito ka na diyan mo na makikita ang lahat ng kasamaan, nakakaawa ang ating mga kababayan na pinagsasamantalahan ng ibang lahi, at pati na din ang ating kalahi na nagsasamantala din ng mga maliliit nating kababayan dito sa Dubai. Kung mahina ang loob mo at babae ka ang bagsak mo ay “secret prosti” , “on call prosti” pikit mata mong tatanggapin pinakaiiwasan mo sa ating bansa yun pala ay sa Dubai ka magiging ganun.Nandiyan na may mag ooffer sa iyo ng kuwarta sisimulan ka sa malaki dahil nanagugutom ka na kakagatin mo na.Wag nating sabihing professional tayo dahil kahit professional dito ay talagang hirap sa paghanap ng trabaho malakas dun ang Pana wala tayong panalo sa Pana dahil monopolized ng Pana ang Dubai. Kahit walang alam ang Pana basta may kapit sa loob ikaw eh graduate ka ng university sa atin tapos eh talagang qualified ka eh matatalo ka pa.Mahirap ang buhay s Dubai lalu’t wala kang relatives,marami sa ating mga kababayan ang napapriwara ang buhay tinatanggap na lang dahil kumbaga subo na sila.

Kaya lublob na kung lublob basta kikita sila ng pera bahala na ang sabihin ng ibang tao. Marami akong kaibigan ……………salamat naman at napabuti silang lahat dito sa Dubai.

Nandiyan din ang mga iba’t ibang lahing prostitutes sa mga hotel nagkalat sila na pulos wala ding mga trabaho. Indian, Bangladeshi, Indonesia, Malaysian, Russian, Iranians, all nationality, wag ko ng ituro kung saan, basta in
every floor level ibang nation ang nakatira.

Magingat sa mga taong kunwari ay nagmamalasakit sa iyong pagpunta dito sa Dubai.Tutulungan ka nila dito sa Dubai pero sila din nag maglulubog sa iyo sa Kumunoy unti –unti. Dun pa lang sa Pinas magsisimula na Kalbaryo mo sa mga piranang taga-Immigration. Pigil ng pigil sa Pinoy na papunta sa Dubai lalo kung Visit Visa hawak mo. Pero kapag may P10,000 ka para sa kanila (kahit lumang cellphone papatulan nila), papalusutin ka at mag bibilin pa ng gustong pasalibong ang mga patay-gutom na yun. Kala mo may ibibigay na trabaho sa Pinas, ayaw hayaang magbakasali ang tao e. Basta maayos ang papeles dapat wag ng harangin. Ngayon mai-imagine mo na pag uwi mo sila rin yung mga nakatanghod sa dala mong pasalubong na gustong-gustong agawin at ibigay sa mga anak nila.

It’s high time na bansagan natin ang mga taga immigration ng PATAY-GUTOM, tulad ng pag bansag sa mga pulis na Buwaya, hayaan natin magsalin-lahi ang kabansagan iyan…sila rin ang dagdag gastusin sa mga aspirante sa Dubai.

Kung pupunta ka dito sa Dubai, magbasa ka muna tungkol sa Dubai at kumuha ng info sa mga galing na dito, mga nagtagumpay at mga nabigo. Ika nga experience is the best teacher…..Pero hindi ka dapat masiraan ng loob sa pag labas mo diyan sa bansang kumikitil sa iyo, sa pangarap mo at sa kinabukasan mo. Wag mong targetin ang Dubai lang, yung ibang bansa din bukod sa Dubai, dapat may option A, B, C, D….etc ka. Tandaan mo MAHIGPIT ang kumpetisyon dito sa Dubai… lalo sa Kapwa mo Pinoy! Sorry tayo…Pinoy tayo kaya maraming magagaling na Pinoy ang makakalaban mo sa hanapan ng trabaho…

Survival of the Fittest dito…ang talo uuwi ng luhaan at duguan. Aakitin ka kasi ng marangyang pamumuhay dito sa Dubai kaya maiisip mong isiksik ang sarili mo. Pero kung wala kang diskarte at plan A, B, C, etc.. wala ka ring espasyo dito. Ang mga pasyonista at elitista na sa magasin mo lang makikita, ordinaryo lang dito. Magmumukhang lata yung ITIM na Limousine sa Pinas na may plakang 1 pag itinapat mo sa mga kotse sa dito. Magmumukhang katulong ang bida sa soap opera sa TV pag tumabi sa mga expat ng Dubai.

Kaya lang parang may nuclear naman po pag napuno ng pana (indyano), pakistani at iba pang itik ang bus na sinasakyan mo. Ang baho talaga! Tapos iba pa ng tabas ng bibig nila, parang saliwa ang dila kasi di mo maintindihan inglis nila. Kung sa Pinas alaskado ang Bumbay pag dumadaan, dito ikaw ang alaskado sa mga Bumbay! Pag wala ka ng makain, wag kang basta mamimingwit, may tamang lugar dito at kumukuha rin ng permiso, bawal ang hulihin ang pusit, small crabs, small fishes basahin mo nalang meron nakalagay e. Pag wala kang pera wag kang sasakay ng car lift, para kang na-hold up… yun yung kolorum na taxi dun. Dapat lagi kang may xerox ng passport at visa sa bulsa ha. Mawala ka na, wag lang yung mga xerox. Tapos may dala ka ring ni-Red Ribbon ng DFA ha, bukod sa kelangan sa employer’s visa, baka maisipan mong mag immigrant e. Kung wala kang memory stick, sa folders mo sa email itago ang PDS mo.

Malamang itatanong mo alak…..para sa ating mga lasinggera(hik! hik!)…gud news….may alak kaso di ko ituturo ang bilihan (whahaha!). May nabibili dun sa liquor store pero residente lang at yung may lisenya dapat, board license ha. Yung Peso coin nga pala, magbaon kayo, kasi umuubra sa vendo machine ang galing hehehehehe, kaya pag coins out alam nilang naloko na naman sila ng Pinoy! (Pero don’t do this, bawal ito at masama, Consulate ng Pilipinas ang aako ng responsibilidad para dito).

Dapat marami kang baong skills at talents kahit isang supot na inglis lang ang dala mo. Alam mo ng magastos, wag mong hanapin ang masarap kung di pa kaya…and mga tol at pare, kailangan din ng GULANG ha. Ang papeles na kulang mo….atin-atin lang, sa computer tirahin.

Sa mga lalake jan, Wag mong pangarapin agad ang Al Rigga,kung lalaki ka, makakatikim ka rin ng Chinese, Russians at Morroca pag may maayos na job ka na.(haha) Spare mo na ang Pinay kahit sila ang first class…kababayan yan e. Sumunod sa batas kasi Arab country yun, di uumbra ang kabalatubaan na dala ng Pinoy dito.

Mas maganda kung stop over mo lang talaga ang Dubai, may ibang pakay ka. tandaan o ang talentong pinoy, legal o ilegal na plantsado uubra sa dito… galingan mo lang. Kasi kundi….sa www.orgkish ka na makikita hehehehehehe! Sa pinas pa lang kung may ENTRY PLANS KA, DAPAT MAY EXIT PLANS KA RIN DAPAT.

Ito ang higit sa lahat, pag mangungutang ka ng pera papunta sa dito…..wag ka ng magpapa-tulong sa mag asawang kumpare at kumare mo…sila ang gigipit sayo. Kahit alam pa nila ang sitwasyon mo dito, kasi sa kanila ang tubo e. Basta pera na ang kikitain mo dyan ka na kakanain ng mga ulol na kumare at kumpare mo…..lalo na kung nagsama ang parehong IL, bisaya at bikolano wala namang IL yun e, norte at gitna lang. Take Note: para sa akin lang yun ha, di ko nalalahat…..

Nasa Camp Victory sa Iraq yung lalaki. Kasama yan sa PAALALA sa pag punta
dito sa Dubai….TRAVEL ADVISORY ika nga!

Kahit saang parte naman ng mundo, me ganitong scenario. The thing is..why do Filipinos want to go abroad? To look for a greener pasture di ba?

Kalimutan nyo na ung Dubai movie, di totoo yun! Love story lang nun pede mangyari dito sa Dubai. First, be more intelligent when someone is offering you a VISIT VISA. From the word itself VISIT..walang kang trabaho, turista ka, ika nga. Don’t expect a job if you come to Dubai the first time. Wag na wag mong paniniwalaang me ganun style or sistema. Lokohan yun na maliwanag. Think of all ways in the world how to check the authenticity of your documents.

MY ONLY ADVICE IS… kung dyan sa Pilipipinas hirap kang makakita ng work at mahina ka talaga, wag ka ng mag-isip na mag abroad at mangutang ng pantustos.

Kung gusto mong sumugal, don’t expect anything good, expect the worst.In fairness to my friends, puro kapangitan ng Dubai ang sinabi nila sa amin.Ano yun? Eto..

Mababaho tao dito, pana, pakistani at local. Maiinis ka dahil naninikit bantot nila lalo na’t aircon lahat ng lugar!

Yes, maraming manyakis ditong ibang lahi kasi nga Asian girls at whites
lang naman ang pede nilang tingnan. Nakatalukbong kasi yung mga babae nila.

Maraming vacant jobs, but very very stiff ang competition. Mapupuno mo ang 50 leaves ng notebook kakasulat ng mga fax numbers at email address ng inaplayan mo pero di ka pa rin makakahanap ng work. Almost every day me interview ka, mauubos yung pocket money mo sa internet at pamasahe, pero di pa rin matatanggap.

Masikip ang higaan, bed space ka lang e. Pila pa sa CR at kusina.

Maaga ka dapat bumabyahe kasi me schedule ang bus at dapat alam mo kung anong number ng bus na sasakyan or else di ka makakarating sa pupuntahan mo. Kung mga 50 thousand pocket money mo, mag taxi ka! hehe..

Remember, you need to have a job within 2 months. 2 MONTHS LANG!

After two MONTHS ala ka PA RIN work, EXIT ka sa KISH, sa IRAN po yun! 1500 dirhams ang bayad plus sa hotel at food (PHP20000 sa pera natin) Depende kung gaano ka katagal mag-sstay dun. Ano meron sa KISH? Parang Ghost town! Kung nanonood ka ng horror movie na me lumalakad ng zombie..ganun! How about the Iranians? They will treat you like prisoners! Imaginin mo yung buhay sa loob ng city jail..ganun! Sabi nga nila, hindi ka nakarating ng Dubai kung hindi ka tumuntong sa Kish! O cge me visa ka na uli kaya balik ka na sa Dubai.

Hanap ka uli work, kung di talaga umubra yung CV mo, ang ginagawa ng ibang Pinoy, dadayain ang CV, kasi di naman hinahanapan ng certificate of employment. E magaling tayong mga pinoy jan sa dayaan, di ba? Yung iba, nakakapasok ng work..nabibigyan sila ng working visa. Yung iba, minamalas pa rin..kasi sa interview palang di alam isasagot e! kaya balik KISH uli after 2 months. Kung lalake ka, who wants to go to Dubai, magready ka for 3-5 exits bago ka magkawork.

(TAKE NOTE ULIT: Sa ngaun , iba na po ulit ang ruling about Visa, mas mahigpit na sila, marami silang binago at marami silang dinagdag, for more info just visit www.gulfnews.com)

Now, matigas talaga ulo mo..gusto mo pa ring pumunta ng DUBAI, check this website.. http://www.gulfnews.com at http://www.khaleejtimes.com. Ito yung dalawang newspaper na puro classified ads dito. Tingnan mo kung me job vacancies na pwede mong applyan. Pag wala kang nakita, WAG KA NG PUMUNTA SA DUBAI.

Then, what’s good about Dubai? Kapag legitimate Residence VISA holder ka na, medyo stable ka na. Naghihilik ka na pag natutulog. Medyo mayabang ka na nga kahit sa kapwa Pinoy mo pa.

Mura bilihin, 10 dirhams na meal, rich ka na. Lebanese restaurant na yun.

Bida ang girls sa public transport kasi me reserved seat ang mga babae, pedeng mong palayasin kung sino mang anak ni Adan ang nakaupo. Bus or taxi man.

You can’t earn in the Philippines what you could  earn here in Dubai, walang deduction ang sweldo.

Air-condition ang Bus Stop.

You can afford to live in a condominium. Kahit small room lang. Aba! Nakaelevator, centralized aircon, minsan wall to wall carpet pa!

Madaling magkakotse. If your salary is 3500 dirhams per month, pede ka na sa AVEO CHEVEROLET, 400 dirhams per month after 6 months pa hulog, ang saya di ba?

Ang taxi dito, Toyota camry, puegeout, mercedez at audi. 3 dirhams unang patak, pag nagbayad ka ng 10 dirhams malayo na narating mo nun. 50 dirhams, puno na ref mo. Wag ka lang bibili ng beef at pork. May 25 dirhams na pants, 30 dirhams na shoes. E kung sa Mall of the Emirates ka mamimili or sa Battuta Mall, ubos ang isang buwang sweldo mo. If your salary is 4000 dirhams up, qualified ka magdala ng family.

Kung gusto mong matali sa Dubai at di na makalipat ng ibang bansa, mangungutang ka ng mangutang! Pag me bank account ka na, you can make a loan up to 10 times of your salary in 3 days. Credit cards? Madali, 3 days lang cardholder ka na. basta me RESIDENCE VISA ka.

Kung gusto mong maging citizen…? Mag asawa ka ng Local at magpaconvert sa muslim. Tapos, magtatalukbong ka na rin. whahahaha!

Is Dubai good as Tourist spot? May be yes.. pero sa ating mga Pinoy, ano maganda sa mainit na lugar. Para kang sa ilalim ng tambutso ng sasakyan yung temperature. Di mo na gugustuhing mamasyal pa. Kaya nga malls at supermarkets dito hanggang 2:00 ng umaga. Five times a day, me ingay kang maririnig yung pasyon na tono nila. Sus! Kaingay di mo makuhang matulog..

Ano gusto mo pa bang mag punta ng DUBAI ? Pag medyo minalas ka sa pakikipagsapalaran mo, wang kang manisi ng ibang tao. Ikaw ang gumagawa ng buhay mo.

AND always remember, you can’t do it alone, it needs courage, perseverance, intelligent mind and lot lot lot of PRAYERS to fulfill your dreams.

 Edited by Lhay

 

Basic Cash Flow August 19, 2008

Filed under: Dagdag Impormasyon — lhay @ 9:05 am

There are those who e-mailed me asking about the basics of cash flow. I’m really sorry that I assumed everybody already understands it. Anyway, by demand …… here it goes…
May isang bata naglalaro sa kalye… hehe, joke lang. 
 
The basic is. What pattern do you see if you will get a P100.00 bill and monitor where and how it is transferred from 1 possessor to the other? How does it flow? The pattern for a typical Pinoy is.
You earn from your work, you spend it on food, gadgets, clothing and other basic needs. Before you reach the next payday, paubos na yung pera mo. But that’s ok payday is just a few days ahead and it doesn’t matter if I run out of money, I am expecting money again any time soon.
This cycle goes on and on and you make some sidelines or create other ways to earn but it seems that money was never enough.  (I am tempted to explain further pero ang usapan natin… basics lang).
So you can’t leave the job that you have because a week without work would affect the cash flow you have to support your family and needs. As much as you wanted to accept another job, the gap would make you pay less for a couple of days, which makes you a slave to your boss.
At least, you have a job to support your needs.
 
So to illustrate.. .Cash is flowing inside your pocket.
 
Years have gone by doing your monotonous routine.
 
Question… what if you get fired? Or you were forced to retire because there are new and younger people ready to take your place. What would you do?
As an OFW, Makati Executive, Top Salesman, Engineer, Attorney, Teacher, etc…  What if it all ends? The sweet cash that enters your pocket every 15 th and 30th suddenly comes to a halt.
There are two things you can buy with your money…  An asset and a liability. To describe each… An asset brings money inside your pocket; a liability takes money out of your pocket. Another way to see, it is that an asset if you buy one, will bring the money you spent for it back to you 2 or 3 folds. A liability, when you buy it will not give your money back at all.
Sa ilocano… idjay ti kwa… djak maawatan…  (joke lang po, seryoso na kayo eh…)
Sa madaling salita… kapag asset, maibabalik ang pera , pag liability, goodbye sa pera…
 
Ang problema kay JUAN DE LA CRUZ, habang may trabaho ipon ng ipon at bili ng bili ng liability! 
 
I have seen OFWs get back to the country with gold chains at kung pwede lang limang shades ang isuot ng sabay-sabay gagawin nya eh… dvd, component, jackets, clothes, inuman, pulutan, party, pabango… hindi na makalakad sa dami ng bitbit…
At s’yempre mga empleyado natin dito sa bansa na lingo-lingo bago cell phone at mags ng kotse.. hindi na nga magkasya ang damit sa aparador, tapos pag umaga sasabihin… . wala na akong maisuot.
Guys, esep-esep… what you bought… will it bring money back to you? I know what you have in mind… you have to enjoy what you worked hard for. That’s right, but think of something that will last… think of your future.
I have seen the worst of people who were abogado de kampanilya, executive secretaries of top rank business men, people who worked for big companies, earned a fortune and got a big retirement pay by the millions… Now…. Wala na.
Why? Because of their cash flow… went in… went out.
 
I need not to mention basketball players, actors, singers, etc… Check what is their career path… next after acting, singing and playing… POLITICS. Kasi, ‘yung million na kinita nila, puro liability ang binili.
Going back… all the liability they bought, ibinenta ng mura! I’m wearing a gold chain now, which I got from a seaman… he bought it for P35,000 and sold it for 8,000 to me.  Hindi po asset ang alahas! Bakit? Totoo na tumataas ang value n’ya pero kapag gutom ka na, kahit palugi ibebenta mo! (wala bang aaray?) Cell phones… dvd players etc. pati bahay at kotse… that’s the cash flow of most OFWs…
The question is … ” WHAT IF THE INCOME STOPS?”
 
Sa Pinoy, ganito: anak… mag-aral kang maigi, at pag tanda namin… ikaw na bahala sa amin ha….  Hindi po ba maling-mali. ..
You have to establish something today that will take care of your future.
 
Teka, teka… eh ano ang dapat gawin para hindi mangyari yan?
 
You must create a source of income that will continually make money flow inside your pocket. Start a business! While you are working as an executive or an OFW, or a professional. .. START A BUSINESS and MASTER that business till you get out of that company. Para kapag tumigil ang income mo sa kanila… may susuporta pa din sa iyo hanggang pag-tanda mo!
Now don’t tell me to invest my money on pensions and plans… NO WAY ! Narinig n’yo na siguro yung …. Naku ayaw ko na magbanggit.. .. ‘yung mga nagbayad at hindi nakapag-claim. .. sila pa ang dinimanda at nag-piyansa! !! HUWAG MO I-ASA ANG PAGTANDA MO SA IBA! GUMAWA KA NG SARILI MONG BALON NG PERA!  KAHIT MALIIT PA ‘YAN, SARILI MO AT HINDI KA AASA SA IBANG TAO…
Imagine yourself when you reach an older age… (aruy sa inyo ha, bata pa ako eh hehe,,,, baka yung iba sa inyo about that age… tabi tabi lang po sa mga nagtatanong. .. kinalakihan kong manood ng batibot) You have money that the company gave you as your retirement pay… what will you do?
You can consume the money till your old… eh kung hindi umabot?  Masamang damo ka pala… at hindi ka kaagad kinuha ni Lord. Eh pang age 65 lang yung naipon mo na budget.
Or maybe, you can start a business and use the money for capital… Kapatid… 9 out of 10 businesses, FAILED… yung isang magsa-succeed, gagayahin pa ng kapitbahay mo instead na mag-franchise sa ‘yo… think! At age 50, you are struggling trying to make a business work! What if it fails?!

Eh ano nga ba ang sagot? 
 
The answer is, stop buying liabilities and instead buy assets now. I don’t care if it is a banana-Q store, fishball, balot, ice candy or a sari-sari store, etc… start now! Because, your experience here will teach you what to do in the future.  It’s so hard to struggle in business when you are 60 yrs old.
You have to create a source of income separated from the source of income from your work. That when the time comes that you have to stop working, you will have your own source of money! Create assets, start a business that will be there to support you and your family. I AM NOT TELLING YOU TO QUIT YOUR JOB! I’m telling you to start a business while you’re working and stop spending your money on liabilities and start putting them on assets!
Ang pera kapag pinambili mo ng LIABILITY… hindi na babalik… ang ASSET… BABALIK.
 
Teka… masama ba bumili ng mga magagandang gamit? Hindi! Siguraduhin mo lang na ang pambili mo nun ay galing sa asset mo. The business has to be prioritized! Mawalan ka man ng trabaho, may negosyo kang palalaguin.
If before, nabubuhay ka naman ng iisa sapatos mo, huwag mo baguhin ‘yun… dati, nagdyi-jeep ka lang… ‘wag ka na munang mag-FX…
Create assets and lessen liabilities. Invest and learn now… mag-negosyo!
 
Eh anong negosyo? Any, as long as you think it is work and doable! I am still looking for partners for my HOME MASSAGE SERVICE! SPA! RENT A CAR and my business for computers is still franchising. .. (joke lang … baka isipin niyo totoo…But I AM PROUD TO SAY THAT IM PLANNING TO HAVE MY OWN BUSINESS TALAGAH!)
I started all my businesses with a very small capital. If I used that money to buy a gadget, new shoes or any liability… baka wala lahat ng negosyo ko at wala na akong makain ngayon.
Again, I hope that this BASIC CASH FLOW article helps…. I wish all of us become financially free!

Edited by Lhay

 

Ang Aking Inidoro at Pugad Baboy 18 August 18, 2008

Filed under: Araw-Araw,Kasalukuyan — lhay @ 8:22 pm

Hindi ko alam kung nasayang ang halos 2 oras ko o sinwerte pa sa kakaupo sa inidoro pero sa awa ng diyos successfull naman ang aming paglalaban, hindi lang tiyan ang sumakit sa akin pati tuloy pwet ko, wala na nga akong pwet lalo pa atang nabawasan sa kakaupo. Buhay nga nmn…

Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at bigla na lng sumakit ang tiyan ko, sa katakawan siguro, (Yan tuloy napala mo!) Pero 30 minutos na akong nakaupo sa aking inidoro ni ga-maning patak, wala man lang lumabas???? Ano ba namang pasakit ito…

Ayokong tumayo at lumabas ng kubeta kasi masakit tlga ang tiyan ko, so antay-antay pa ako, ung mga bagay na hindi ko napapansin sa loob nga aking kubeta, bigla ko tuloy napansin, swerte nila, hehe, tulad na lng ng may isa pa pla akong pack ng whisper (ung with wings ha?), hindi ko kasi napansin dati yun kaya bumili pa ako sa labas, Tska ung matagal ko ng hinahanap na aking Pugad Baboy No. 18, andun lang pala sa gilid ng kubeta at nakasiksik, tagal ko ng hinahanap yun. Sabay…..TING!!!!! Ahah!!!! SAKTO!!!

Ayos na ayos ito, bigla kong kinuha ung Pugad Baboy sa gilid ng Inidoro, pilit kong inabot na aking kamay…uuuhhhhhh..konti na lng maabot ko na, SWAK!! Nakuha ko din, sabay bukas!!!

Hindi ko namalayan ang oras habang nagbabasa ako ng Pugad Baboy, nawiwili ako at natutuwa, dahil sa wakas natagpuan ko din ang matagal ko ng hinahanap.

Nasa kalahati na ako ng aking pagbabasa ng bigla kong naalala na ako’y nakaupo pala sa aking inidoro. Biglang sumakit na naman ang tiyan ko, at naramdaman ko na may gustong lumabas, wwwwaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!!!!! yan na!!! Tabi kayo jan, sunod-sunod na toh!!! Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim…..grabeh!!! Parusa ba ito sa anong kasalanan… ang hirap….

Unti-unti pabagal ng pabagal ang paglabas hanggang sa tuluyan ng tumigil at nawala, pinakiramdaman ko ang aking sarili, may pahabol pa ba? mmmmmm…….. wala na, sabay sigaw (sa isip lng) ng SUCCESS!!! Pindot ng flush, hugas…sssssssssssssshhhhhhhhhhh, tissue….handwash, sabay labas ng kubeta…

HEP! HEP! Balik, bilis, ang aking PUGAD BABOY! Dali! Kunin…

Nakakangawit, gusto ko ng humiga at magpahinga! Nakakapagod din pala ang umupo ng halos 2 oras sa inidoro, feeling ko tuloy namamaga ung pwet ko. Pero isa sa magandang nangyari ay ng makita ko ang aking pinakamamahal na Pugad Baboy, salamat sa iyo aking Inidoro…