LHAY

Ang kwento ni mudra October 28, 2008

Filed under: Mga Nakaraan — lhay @ 8:39 am

Naalala ko dati, nagkwento si mudra tungkol sa isang pangyayari noong sya ay musmos pa lamang.

10 silang magkakapatid, 2 lalake ang mga panganay at ang mga natitira pa ay puro babae na. Si mudra ang pangatlo sa pinakabata. Naka gawian na tuwing may ipinagdiriwang na kapyestahan sa kabilang ibayo ang pumalaot sa ilog gamit lamang ang bangka upang makarating sa kabilang pampang. Dahil duon sila makikipyesta sa kanilang mga pinsan. Wala na ang kanyang ama (lolo ko) noong panahon na iyon, tanging ang kanyang ina (lola ko) na lamang ang nangangalaga sa kanyang 10 anak. Doon sa kabilang ibayo tumulong sa pagluluto ang ang kanyang ina (lola ko) kasama ang kayang pitong anak.

Ang tanging naiwan sa munti nilang tahanan ay aking mudra, kasama pa ang dalawa pa nyang nakakabatang kapatid para maging taong-bahay. Kitang kita nila mula sa kanilang kinalulugaran na munting bintana ang mga mumuting ilaw na nagkikilaspan at ang dumadagundong na tugtugan mula sa kabilang ibayo. Dahil gabi na rin, nakaramdam sila ng pagkabagot at pagka-antok. Doon mismo sa sala sila nakatulog habang hinihintay ang pagdating ng kanyang mga kapatid at ina (lola ko).

Sa kalagitnaan ng pagkahimbing nakaramdam si mudra na parang may isang taong nagmamasid sa kanya. maingat at paunti-unti nyang minulat ang kanyang mga mata upang tignan kung tama ang kanyang sapantaha.

May isang lalakeng nakamasid sa kanya habang nakaupo sa tabi ng bintana, dahil madilim, hindi nya masyadong maaninag at mamukhaan kung sino iyon, unti unting inalis ng lalake ang tingin sa aking mudra at nilipat ang tingin sa labas ng bintana kung saan kita ang mga mumunting kislapan ng ilaw mula sa kabilang ibayo.

Naisip ng aking mudra na baka ito marahil ang pinadala ng kayang ina (lola ko) para sila ay mabantayan habang wala pa. Ngunit, datapwat at subalit ng gusto na ulit matulog at humimbing ng aking mudra, napansin nyang wala ang mga paa ang lalake at wari moy nakalutang. Hindi natakot ang aking ina dahil naisip nyang bka madilim lang kaya ganun. At sya ay nakatulog na.

Nagising syang mataas na ang sikat ng araw at nakauwi na rin ang kanyang ina (lola ko) kasama ang kanyang mga nakatatandang kapatid. Ng makita nya ang kanyang ina (lola ko) tinanong nya agad ito:

Mudra ko : “Nang, ating matwang lalake keni kagabi, ninu ita?” (Nay, may matandang lalake dito kagabi, sino yun?)

Ina nya (lola ko) : “Tabalu ku keka, ay ali, ita yang apong teryo, ikit me? sabi ku bantayan ne keu” (Aba malay ko, err hindi, si apong teryo un, kita mo ba? pinakisuyo ko kau sa kanya na batayan kayo)

Pero kinabukasan, kinausap ng masinsinan ng kanyang ina (lola ko) ang aking mudra tungkol sa lalakeng nagbantay sa kanila. Sabi ng kanyang ina (lola ko) na hindi daw pala si Apong Teryo yun kasi hindi naman nya sila pinakisuyo na bantayan, sabi ng ina nya (lola ko) na baka yun daw ang kanyang ama (lolo ko) dahil naiwan silang 3 lamang sa munti nilang tahanan, binantayan daw sila nito.

 Doon kinilabutan ang aking ina dahil 3 taong gulang pa lang sya nung sumakabilang buhay ang kanyang ama (lolo ko) kaya di nya mawari ito. Sinabi lang daw ng kanyang ina (lola ko) na si Apong Teryo daw yun para hindi matakot si mudra, pero sa kabila nun napilitan na rin sabihin at aminin ng kanyang ina (lola ko) na baka ang matandang nagbantay sa kanila magdamagan ay ang kanyang ama (lolo ko).

 

 

 

Dwende October 18, 2008

Filed under: Mga Nakaraan — lhay @ 5:47 am

Since malapit ng ang Haloween gusto ko lahat ng entry ko this month til November 2 ay tungkol sa katatakutan… And this is my first horror entry..uhhmmm, ndi naman horror talaga mga suspense siguro..mga ganun…or medyo fantasy na rin, watevah. Ito ay hango sa sariling eskperyensa. Walang bahid na kasinungalingan.

Nung bata pa ako, mga 7 yrs old siguro, tuwing sasapit ang Mahal na Araw nakagawian ng buong family ng mag vacation yearly sa Pampanga since duon lumaki ang aking Ina at doon nakatira ang aking lola ant iba pa nyang mga kapatid.

Parang reunion ang mangyayari dahil Abril at walang pasok sa eskwela, syempre nagkita kita ang mga magpipinsan.. Kwentuhan dyan at kwentuhan ditoang nangyayari, maingay, kahit magkakalapit na kung mag-usap nagsisigawan pa rin, ganyan talaga ata ang mga kapampangan. Sanay na ako.

Nagkatuwaan kaming magpipinsan na kumuha ng kamachile, alam niyo yun? Yung parang beans na color red pag hinog at green nman kung hindeh, wait nga, hanap ako piktyur.(at sa kasawiang palad wala akong nakita). Basta masarap yun!

Well, anyway, mabalik sa kwento, Pumunta kami sa likod ng bisitas (maliit na simbahan) mga 50 metres lang ang layo nun sa bahay ng aking lola. Duon ka makakatagpo ng mga puno ng kamachile na hitik sa bunga. Lahat sila umakyat sa puno kabilang na ang ate at kuya ko para mamitas, at dahil ako ang pinakabata sa grupo, ako ang naiwan sa ibaba para kunin ang mga ibabato nilang bunga sa akin.

Medyo na-iihi na ako ng oras na yun at di ko na kaya pang pigilan, dahil bata pa ako at wala namang malisya pa at dahil ulit puro naman kamag-anak ko ang mga kasama ko, dun mismo sa puno ng kamachile inilabas ko ang init ng aking katawan. Umihi ako sa paanan ng kamachile.

Umuwi kaming masaya dahil napakadami naming kamachile na naiuwi na ikinatuwa naman ng aming mga magulang, peyborit ng sambayanan!

Kinagabihan, lumaki ang aking kanang kamay, unbelibabol? pero totto kahit ako mismo hindi makapaniwala. Natakot ako?? hmmm..medyo pero mas natakot ako sa maaring mangyari sa aking napakagandang kamay. Sabi bka daw nakagat ng kung anong insekto sa kagubatan, pero wala naman akong maramdamang kahit ano na kumagat sa akin. Tska kung saka-sakali mang kagat yun ng insekto grabeh namang maga ang nangyari.

Dahil nsa probinsya kami at alam mo na ang pag-iisip ng mga matatanda duon, naisipan nila na isangguni namin sa albularyo ang aking kalagayan.

Tumawid pa kami ng kabilang ibayo gamit ang bangka para lang makarating sa isa sa pinakamagaling na albularyo dun sa lugar namin.

Unang tingin pa lang ng albularyo sa aking kamay, alam niya kung ano nangyari. Para makasigurado, tinawas niya ako.

Alam niyo yung may kandila tapos may puting planggana na red yung edge na medyo puno ng tubig, ayun… Tamang Ganun. Tapos kinuha niya yung kandila at lahat ng nattunaw nilalagaw niya sa kutsara sabay ibubuhos nya sa tubig, at dun may mamumuong kung ano.

Tinanong nya ako, kung umihi daw ba ako somewhere, gusto ko sanang magsinungaling pero sa huli napadesisyunan kong sabihin din ang totoo, Edi sabi ko sa albularyo, “OPO”.

“Saan?”, tanong ng albularyo, sabi ko, “Sa likod po ng simbahan”.

Yun naman pala, sabi nya, na-ihian ko daw yung kamay nung dwende kaya gumanti hindi daw kasi ako nagsabi ng “tabi tabi po nuno”.. weird.. dahil bata pa ako nun, naniwala ako sa sinabi ng albularyo.. hanggang sa lumaki ako, dala dala ko ang mga pangyayaring iyon, tumatak na sa aking isipan. Kaya kpag may kwentuhang nangyayari, lagi kong sinasabi ang eksperyens ko na yun. Kaya hanggang dito sa blog dala-dala ko. Pero hanggang ngayun hindi ko pa rin alam kung maniniwala ako or hindi sa dwende.

 

 

Sana manalo ako… October 4, 2008

Filed under: 1 — lhay @ 12:27 pm

I joined the contest in WPP named WPP Treasure Hunting Contest. Yipee!!!

When they announce this in our forum wp-pinoys , nag comment agad ako na, mag-preprapare na ako kasi i want to join but that time di ko pa rin talaga alam if paano sumali kasi wala pa msyadong details and when i visited again our forum I was extremely excited about this lalo ng nung mabasa ko yung mga prizes.  Cause I was planning na din to buy my own domain suppose to be by next month and since I’m still not yet decided sa pinaka final name ng magiging domain ko and most importantly wala pa ako budget (yun yon eh..)..huh..huh…

I visited wp-pinoys yesterday and I found out na malapit ng mag close yung contest, kaya dali-dali kong binasa yung thread if how to join and what are the requirements and here I am now wishing na mapabilang sa list.

Here’s the prizes!

WPP Treasure Hunting Contest Grand winner will get:
Advance Plan
1 Domain name and Hosting (1 year)
500MB Disk Space
100GB Bandwidth
10 MySQL Database
Unlimited Email
99.9% Uptime
24/7 Tech Support

First Runner Up will get:
Basic Plan
1 Domain name and Hosting (1 year)
100MB Disk Space
20GB Bandwidth
5 MySQL Database
Unlimited Email
99.9% Uptime
24/7 Tech Support

Second Runner up will get:
Cash (will be sent via PayPal)

O-Dvah? Exciting , lalo na sa akin na nag-uumpisa pa lang pasukin ang mundo ng blogging, malaki ang mai-tutulong sa akin nito. Thanks wp-pinoys, you guys Rocks! Kaya Sali na!

How to Enter to this contest?

1. Only registered WPP members only. (one down!)-Last August when I joined wp-pinoys.

2. Only members who don’t have their own domain yet are invited to join the contest. (Please, pagbigyan natin ang mga wala pang sariling domains, yung may meron na, wag na pong sumali. hehehe!) (two down!!)- hahaha..wala pa talaga akong domain..as in..

3.You need to have at least 50 forum posts. (Kung below 50 posts ka pa lang, mag post na ng marami bago mag Monday, Oct 06, 2008.) (Three down!!!) 114 posts na ako! yehey!!!!

4. Blog about this contest on your blog and add these links: (Four Down!!!) hehe…ito na po yun!

WPP Treasure Hunting Contest Sponsors

PanelHoster.net

flipclan.com

zaldydalisay.com

wpthemedesigner.com

digdesignz.net

Oha! Panis! Walang kahirap-hirap! Inumpisahan kong gawin ng 2:25PM at 4:35PM na ngayun di pa tapos! san ka pa! 2 hrs..tsk! Birthday ko last month at ito ang gusto kong gift sa sarili ko ang magkaroon ng sariling domain, malaki ang maitutulong sa history ng buhay ko kapag ako ay pinagbigyan manalo sa contest… waaahhhhhh!!!! Pero ok lang kahit hindi ako manalo, pagmamasdan ko na lang ang site nung mga nanalo sa contest sa monitor ng computer habang tumutulo ang luha ko sa kanang mata (kasi hirap tumulo yung luha ko sa kaliwa) at sumisigaw ng “WAAAHHHH GUSTO KO NYANNNNN!!!*

 

Web Based Instant Messenging

Filed under: Araw-Araw — lhay @ 8:34 am

A-huh! If you are working in a company that provides internet access like me, most probably that Internet messenging system like yahoo messenger, skype or msn is blocked in your network like me again! And yes! one obvious reason why IT or the management is blocking the chat or any IM services is for their employee to concentrate in their job (naiintindihan ko naman sila eh pero sana naiintindihan din nila ako). I believe that they are in the position to do that and that obstructing the access of online instant messanging system is at the best interest of the company as a whole. With the yahoo messenger installed and running on workstation in office, the temptation to communicate with your cyberfriends and relatives is really great. As a result, it will eat up the productive time of the employee in which he or she is supposedly using for his or her job  assignment and tasks.

Syetness bakit ako nag-eenglish baka mabasa ng mga panang IT namin ito , patay na ako..ok.. sya..sya..mabalik tayo…pero sa kabilang banda alam mo yung kating kating nayung kamay natin na makipag chat sa mga kaibigan at kamag-anak lalong  lalo ng tuwing araw ng linggo kasi wala silang pasok sa pinas, tapos tayo naman dito sa Middle East may pasok, lam niyo yung feeling na yun! Minsan thru email na lang kung makapag usap kaso ang hirap minsan trapik ang tagal makapag sent and makatanggap ng message. Eh paano na lang kung emergency, tapos hindi makontak yung phone mo or wala kayong parehong load, alam mo yung mga scenario na ganun na hindi natin maaring iwasan…

IT Admin might be blocking the yahoo messenger, skype or other instant messaging system but could this suffice their goal to prevent online messaging access on their network? Have they considered 3rd Party social instant messaging compatible for multiple instant messaging platform or the web-based im applications? IM Users on the other hand might choose using third party instant messaging software so they can access their favorite messaging system at work. These sites could be a work around so you can access yahoo messenger, skype, aol, etc.. even if they were blocked by the IT admin. Hep! Hep! English na naman..ehem!

First I used Meebo Instant Messenging Everywhere

                                                             Meebo is a website for instant messaging from absolutely anywhere. Whether you’re at home, on campus, at work, or traveling foreign lands, hop over to meebo.com on any computer to access all of your buddies (on AIM, Yahoo!, MSN, Google Talk, ICQ and Jabber) and chat with them, no downloads or installs required, for free!

Kaso sa kasawiang palad na detect ng IT namin so they blocked this site. Grrrrrr…

 

Second I used RadiusIM

RadiusIM relies on location-based features to differentiate it from other web-based instant-messaging services. It offers access to key IM services such as AIM, Yahoo Messenger, MSN Messenger and Google Talk, and it lets you search for other RadiusIM users based on their location.

You have to register first before using this web-based im apps. You must supply an email address, a birth date, a post code and your country, after completing the initial RadiusIM registration, you can choose to have RadiusIM connect you to your IM accounts automatically when you log in. Pero sa kinamalas-malasan pa rin, na detect na naman ng bwakanang IT namin so SITE BLOCKED!!!

Third and what I am using now KoolIM

KoolIM is a web application that allows you to stay in touch with your friends over their favorite instant messengers almost anywhere. You only need a web browser (e.g. Firefox, Internet Explorer, Opera). With KoolIM there is no need to have multiple chat programs. There is no need to download and install any additional software or plug-ins into your computer to use KoolIM Web Instant Messenger. Any recent graphical browser will work (e.g. Firefox, Internet Explorer, Opera). Currently you can use KoolIM to talk with friends on MSN, Yahoo, AIM, ICQ, Google Talk and many other popular networks. 2 weeks ko syang ginagamit, kaswertehan hindi pa sya na dedetect ng IT namin pero kung saka-sakali man mahuli at ma-blocked for the 3rd Time, No problemo senyorito/senyorita dahil madami pang nakapila. Har-har-har!!!

Fourth Ebuddy-Web and Mobile Messanging

eBuddy is a free web based messenger that enables you to chat with your MSN, Yahoo, MySpace, Google Talk, MySpace and AIM buddies. No downloads or registration required.

To use the web version of eBuddy, all you need is a Javascript enabled browser on your computer. You can access eBuddy from any computer or location and it even works behind a firewall. Whether you’re at home, school, at the library or at work, surf over to eBuddy and login with your account to start chatting.

Fifth ILoveIM

ILoveIM lets you connect to AIM, Google Talk, MSN Messenger or Yahoo Messenger from its home page. You can sign on using your existing screen name and password, but you can’t connect to more than one service at a time. Less sophisticated than other web-based IM applications.

 

 

Sixth Trillian – One Messenging a Trillian Possibilities

Trillian™ is a fully featured, stand-alone, skinnable chat client that supports AIM, ICQ, MSN, Yahoo Messenger, and IRC. It provides capabilities not possible with original network clients, while supporting standard features such as audio chat, file transfers, group chats, chat rooms, buddy icons, multiple simultaneous connections to the same network, server-side contact importing, typing notification, direct connection (AIM), proxy support, encrypted messaging (AIM/ICQ), SMS support, and privacy settings.

Trillian provides unique functionality such as contact message history, a powerful skinning language, tabbed messaging, global status changes (set all networks away at once), Instant Lookup (automatic Wikipedia integration), contact alerts, an advanced automation system to trigger events based on anything happening in the client, docking, hundreds of emoticons, emotisounds, shell extensions for file transfers, and systray notifications.

Seventh IMhaha

With IMhaha, you do not need to download any software onto your computer. Just go to www.imhaha.com from your Internet browser, and log on with any of your IM accounts (MSN, Yahoo!, AIM, or QQ) and start chatting with your buddies. You can log onto multiple IM systems with multiple user accounts at the same time and stay connected real-time with all your buddies. IMhaha’s supports IM conference so you can chat with a group of buddies no matter which one of the four IM systems (MSN, Yahoo!, AIM, and QQ) they are using.

The IMhaha’s Easibo feature lets you can collaborate with your friends in real-time on a commonly shared online white board. You can also create your profile which includes all the IM accounts you have with MSN, Yahoo1, AIM, or QQ. With your profile, you can enjoy the benefits of single sing-on: logging in with one messenger account, you automatically log into all other messenger accounts you specified in the profile.

Eight Easymessenger

Free instant messenger service that runs entirely from your web browser. Combine your MSN, ICQ, AIM, Yahoo! and Jabber contacts into one solution.
Now you can use your instant messenger at school, work or just at home without having to install software. Also includes build-it RSS reader so you are always up-to-date with your favorite RSS feeds.

Madami pang listahan pero sa ngayun ito muna ang mai-rerecomend ko kasi ito pa lang yung mga natrytry kong gamitin. Sana makatulong sa inyo katulad ng napakalaking naitutulong sa akin. Yebah!

 

Nag Ramadan ang Blog ko

Filed under: Araw-Araw — lhay @ 8:08 am

Buwahahahaha.. Naki-uso ang blog ko sa ramadan, kung sa mga muslim kapag ramadan bawal malagyan ng laman ang sikmura , ang blog ko naman bawal malagyan ng nilalaman, ang pinag kaiba nga lang ang mga muslim maari na nilang lagyan ang sikmura nila pagsapit ng dilim pero sa blog ko magdamagang walang laman mapa umaga, tanghali, hapon at gabi. At sa pagtatapos na ramadam klangan ko na rin mag update ng blog.

Pero bago ko simulan, gusto ko muna palang magpasalamat sa mga sponsors sa naganap na kaarawan ko nung nakaraang buwan, alam ko parang huli na ang aking pagpapasalamt pero it’s better late than never, ika nga nila.

                                           Cake from Breadtalk (Jhoi)

Actually gusto ko lang kayo gutumin at takamin sa napaka sarap na cake from Breadtalk. First time kong nakatikim ng cake nila at napaka sarap pala (not too sweet), usually ang cake lang nating mga nasa middle class gaya ko ay goldilocks kapag may pera ng konti Red Ribbon pero pag walang-wala, spongecake from panederia ni Aling Tekya. Tuwing pagmamasdan ko ang litrato na yan, ginugutom ako sana ganun din kayo.