LHAY

Pahabol December 31, 2008

Filed under: Kahit Ano lang — lhay @ 12:48 pm

Happy New Year!!! bow!

 

Guhit December 3, 2008

Filed under: Araw-Araw,Dagdag Impormasyon — lhay @ 12:25 pm

Noong bata pa ako , hindi ako mahilig sa arts.. tandang tanda ko pa, stick lang ang mga tao ko, pati hayop , puno at halaman stick lang, nag lalagay ako ng kulay ng lagpas lagpas, kinukulayan ng pula ang bahay, dilaw ang dagat, asul ang araw, at berde ang kalangitan…

Lumaki akong magaling gumuhit ang kuya at ate ko pati na rin ang mga pinsan ko.. Kapag may klangang i-guhit na project, wlang kahirap hirap sa kanila…

Minsan isang araw nagising na lang ako na nagtatanong sa sarili ko, bakit ganun? Ang ate at kuya ko magaling mag drawing? Samantalang ako hindi? Dumating sa punto na nakita ko ang sarili kong nag-aaral gumuhit. Tumuntong ako ng hiskul at laking saya ko ng may Elective Subject ako, dito tinuturan kami gumuhit mga basics and mga plates. Seryoso ako at matataas ang mga nakukuka kong marka.

Minsan nailapitan ko ang Prof ko sa Elective at sa kanya ako humingi ng payo. Matyaga si prof sa pagtuturo sa akin, sabi pa nya.. mabilis akong matuto. Lahat ng mga ginuguhit ko pinapakita ko sa kanya. Tinuruan nya ako ng mga teknik, isa na dito ang pag lagay ng pattern na pari-parisukat:

pattern2

Mas madaling gumuhit kpag may ganyang pattern, mas masusundan mo ng maiigi ang mga detalye…

Minsan sinubukang kong gumuhit ng walang pattern, ang pangit ng kinalabasan, pero mapag tyatyagaan na rin kaya simula nun kpag may gusto akong iguhit, di pwede ang walang pattern.

Dati di rin ako marunong gumuhit ng mukha, nagpaturo lang din ako. Lahat ng bagay sa pag guhit pinag aralan ko lang at dahil na rin siguro sa pursigido ako at  matyaga. Dumating sa point na yung iba kong mga kaibigan ay nagpapaguhit na rin sa akin, ang sarap sa pakiramdam lalo na at nakikita nila at nasisiyahan sa mga bagay na iginuhit mo. Para bang sinasabi mo sa sarili mo na tama nga at pinag aralan mong gumuhit. Madami na rin pala akong nakolektang drawings at ang iba sa mga ito ay makikita nyo dito.

Simula ng dumating ako dito sa Dubai, hindi na rin ako masyado nakaka pag drawing. Dinala ko pa naman dito ang mga gamit ko. Pag wala pa naman ako sa mood mag drawing di talaga ako gumuguhit pero last week dahil sa mga pang yayari sa loob at labas ng bahay. Ginuhit ko ang mga naging kaibigan ko sa mundo ng Plurk:(pasensya na kayo, wala akong scanner kaya piniktyuran ko na lng)

mumu

Mumu

ana

Ana_banana

boobsy

b00bsy

dose

Kimchii/Wasabi/Watever

jen

Jen

potpot1

Potpot

libay

Libay

Sa panahon natin ngaun kayang kaya na ng teknolohiya ang gumawa ng ganyan gamit lamang ang mga ispesyal na programmes or software. Ilang pindot lang sa keyboard at voila, may drawings ka na. Nakakaawa ung mga kilala ko na sa tanging pag guhit lamang ang ibunubuhay sa pamilya, bumaba ang kita nila dahil sa mga nag susulputang bagong teknolohiya.

Wag sana kayo magalit kung kumuha ako ng mga piktyur niyo sa inyong mga FS account. Tanging si Ana lamang ang nasabihan ko tungkol sa bagay na ito. Wala sana pupuri or manlalait. Dahil kahit kayo kung tyatyagain niyo lang, kayang kaya nyo din gawin yan at baka nga mas maganda pa eh, basta sasamahan lang ng sipag at tyaga, lahat ng bagay KAYA!!!