LHAY

Tong-Tong Pakitong-kitong March 26, 2009

Filed under: Araw-Araw,Kasalukuyan — lhay @ 5:15 pm

69…Sikisti Nayn…Animnaputsyam!!!! 2232

Wag madumi ang isip ha? Yan lang naman ang bilang ng araw mula nung huli kong entry, pasensya na kasi inamag, natigang lolz parang si ana lang, at inagiw ang blog ko, eh sa tinatamad ako mag entry eh wehth_smoke… kungdi pa dahil sa mga taong laging nagpapaalala sa akin na may blog pa pala ako eh malamang nakalimutan ko na talaga ng tuluyan, aktwali bisi lang po sa sobrang dami ng activities ko, tska medyo windang lang ako sa mga pangyayaring naganap nitong mga nakaraang buwan sa mundo ng internet at sa kumpanyang kinabibilangan ng mga kaibigan ko. th_noti

Nway tama na ang intro, dahil tamad pa rin ako gumawa ng entry, na isip ko lang ang ka-astigan ni Glesy the Great, sa madaling salita, nagpagawa ako ng entry sa kanya, OO na po, madaya po ako, pero dahil magaling talaga si Glesy The Great, Impromptu or On the Spot ginawan nya ako ng entry na nabuo lamang sa loob ng 1 oras sa pag uusap namin sa YM! Ang galing ano po? Sinabi ko lang po sa kanya kung ano ang gusto kong ipagawa na entry at ito ay tungkol sa CRAB MENTALITY!th_gossip

crab1

Ako po si Glesy the Great… eto kasing si lhay may pagkatsonggo ang kulit.. alam na ngang sms sa ym eh ginugulo pa ako para magpost sa blog nya… good timing dahil najejerbaks na ako nung humihingi siya ng favor kaya napadali ang pilitan blues namin… first time kong mag-impromptu post via ym.. kaya nung inedit ko to di ko alam kung anong itsura… kung meron mang matatamaan, eh di mabuti… yun nga ang gusto ko… cheers;p

Ano bang alam natin sa crab mentality… sus kung di ko pa naging subject yan sa school, wla pa akong pakialam kung ano yan… hindi dahil favorite subject ko ang GMRC, kaya ko natutunan ang crab mentality… yun eh dahil ang teacher ko eh parang may inalimangong nakaraan… kahit di ako nakikinig sa pinagsasasabi nya eh bigla na lang akong nagulat ng biglang buong poot at maka-almoranas na galit ang ipinahayag nya about crab mentality… kulang na lang sabihin nyang dapat eh i-garote pagkatapos sunugin ang mga taong mapanglamang… well, nung mga time na yun di ko alam kung anong ibig sabihin ng crab mentality bukod sa kantang tong-tong-tong-tong pakitong-kitong at masarap isawsaw sa kalamansi eh question mark na ang utak ko kung anong sabi ng wikipedia tungkol dun… kaya isipin nyo na lang kung gaano ako naguluhan kung bakit siya galit sa alimango… eh mahilig ako nun… mamaya ibagsak nya ako… tapos natakot na ako para sa health niya.. parang pag nagtagal pa ang maka-faith healer na pananawagan sa poong maykapal eh bigla na lang siyang mangisay sa harapan namin.. tanda ng pagsapi kuno ng mga kaluluwang dati ay naapi… at ayun.. nagsimula ko ng nalaman kung ano ang crab mentality… bukod sa masama siya sa lipunan eh masama rin siya sa mga taong mataas ang cholesterol at nasa lahi ang alta sa presyon…

uulitin ko para mejo makulit… ano bang alam ng mga pinoy sa crab mentality?… kung pinoy ka alam kong alam mo yun at wag ka ng tumanggi… nasa kaibuturan yun ng sumpang noli af el fili, juan tamad, si pagong at si matsing… isama na rin natin ang the adventures of lola basyang… at ang lahing pinoy lang ata ang may pinakamaraming pHD pag dating sa crab mentality kaya madami tayong titser na internationally competitive… bakit internationally? come on… parang di naman natin alam na maraming high caliber-primera klase professionals ang parang bigas na sinabog sa buong mundo… white o blue collar man yan… tandaan mo, kahit ata uncharted territory eh may pinoy na nakatira jan…

at kung meron mang mga group of individuals na maraming urban legend pag dating sa kwentong crab mentality na talaga namang sisipitin ka sa dami… yun na ata ang mga taong nagsahimpapawid at lumanding sa lupang malayo pa roon… in short ang mga OFW… at kaya naman ako nandito sa blog ng mahalay na tao eh para maparating ang fungi na matagal ng nakatira sa hadhad ng mga taong abot kisame ang ihi sa sobrang pagiging mapangmataas… hindi ko alam kung kaninong inuming tubig ang may problema.. ang tubig sa ibang bansa o ang tubig na may halong tubig canal dito sa pinas.. na kung bakit pagtuntong sa ibang bansa eh talo-talo na kahit pare-parehas tayong apo ni juan delacruz… hindi na kasi survival of the fittest ang laban eh… ang labanan na eh survival of the most swapang.. survival of the most buwaya na malumot-lumot… survival of the pinaka-sementadong kapal ng mukha… multiple choice ang tanong… at huwag ka ng mag-isip kasi all of the above ang sagot…

kung tinatanong mo kung masaya ba ang mga tiyanak na anak ni janice na ito sa mga ginagawa nila sa kapwa pinoy… siguro oo… dahil bukod sa makapal ang mukha nila, mas matindi pa ang mga taong eto kesa sa na-noverdose ng anesthesia sa sobrang manhid… kung sa normal na tao eh comatose na sa hiya… sila ang mga taong endangered species ang level ng talab ng kahihiyan…

ikaw!!! Oo ikaw… kunwari ka pang normal pa ang init ng katawan mo, lobo ng baga mo, tibok ng puso mo, at taas ng BP mo… kung hanggang ngayon eh may epekto pa rin ang anesthesia na tinurok sa nanay mo na napasa ata sayo nung ipinanganak ka… eh malamang panahon na para magising-gising ka hanggang di ka pa tinatalupan ng buhay ng mga kababayan mo… isipin mo na lang na sila rin may pamilya at di lang ang angkan mo ang kelangan ng pang-tuition at pang sahog sa laway para mabuhay… isipin mo na lang na habang ikaw ay halos mahubuan na ng salawal sa sobrang pagpapaimpress sa boss nyo eh ang mga kababayan mo naman ang nahubaran ng pagkakabuhayan…

masyado na bang mahaba ang iisipin mo at mejo nabibigatan na ang makitid mong utak… well sorry dadagdagan ko pa yan…

isipin mo na lang na masakit ang latigo ng karma… matakot ka na… hindi ito pagbabanta na may halong plano ng massacre… dahil sigurado kahit ikaw naisip mong mali ang ginawa mo… at kung hindi mo man naisip yun… anak ng… ilang beses ka bang pinanganak ng nanay mo? cheers;p-glesy the great… bow

applasue*applause* worship*worship* … Ang galing ng pagkakagawa, naayon sa kagustuhan kong kalabasan… Kahit puro “OO” at ” Cge Lang” ang nasabi ko Kay Glesy sa YM,  derederecho pa rin sya ng sulat kahit ang daming umeepal sa amin, nabuo ang isang magandang entry.  Salamat Glesy the Great… cheers!cheers

Bato bato sa langit, tamaan wag magagalit at ang pikon ay laging talo…kaya bang! bang! bang! sayo!th_riflefk9