LHAY

Phailed ang pramis ko June 14, 2009

Filed under: Araw-Araw — lhay @ 12:09 pm

After work, dumerecho ako ng Burjuman para kitain yung friend ko at iabot ang 3K dirhams bayad ng ka opisina ko para sa ticket nya. Tska sakto kasi may ATM ang Standard Chartered sa Ground Floor , makakapag widraw na rin ako ng pera kasi ala na din akong cash.

After 30 mins, nag text na yung friend ko malapit na daw sya, dahil ayoko naman magtagal, sa isip ko pag kaabot ko ng pera, uuwi na din ako kagad kaya hinanda ko na yung perang iaabot ko. Kaso nung hinahanap ko na yung pera sa bag , paking syet! Di ko makita, walang ano ano, nilabas ko lahat ng gamit sa bag ko, wala na akong pakilam sa mga tao sa paligid na nagtatakang nakatingin sa akin kung bakit bigla kong nilabas isa isa yung mga gamit ko. WAG NA SILA DAHIL DI NAMAN NILA BAG YUNG HINAHALUNGKAT KO.

Kaso wala talaga yung pera, biglang may nag flash sa utak ko, parang nung pagkababa ko ng service kanina, saktong hinugot ko yung iPhone kong depekto nun para tawagan yung kaibigan ko at ipaalam sa kanya na dumating na nga ako tapos parang may nahulog or something na di ko mawari, kaso di ko na pinansin nun kaya dumercho na ako sa loob.

Binalik ko kagad yung mga gamit sa bag, di ko na sinara sabay takbo palabas ng mall para puntahan yung lugar na alam kong pinag hulugan nung pera. Taragis! Ang daming tao, tska mag iisang oras ng nawawala yung pera mukhang malabo ng makuha ko ulit yun.

Nanlumo ako habang naglalakad ng nakayuko at patingin tingin sa paligid baka sakaling mag milagro at makita ko pa yung pera. Sabi ko pa sa sarili ko “Pramis Jesas, makita ko lang yung pera, buong araw bukas magpapakabait ako”

 

Biglang may 3 babaeng lumapit sa akin, ito ang naging paguusap namin:

Unang babae:           Ms. Ganda, anong hinahanap mo?

Ako:           Ahmm nawawala kasi yung pera ko, nahulog ko po ata.

Pangalawang babae:           Magkano?

Ako:           3,000 Dirhams  

Ikatlong babae:           Ito ba yun Ms. Sexy? *sabay abot ng 3K na naka clip*

Ako:           Ito nga yun , naku salamat po sa inyo.

Ikatlong babae:           Buti bumalik ka, kasi paalis na kami, mag iisang oras na  kasi kaming nag hihintay dito, nag-aabang kami baka sakaling bumalik nga yung taong nakahulog ng pera.

Ako:           Salamat po talaga. Buti nag tyaga kaung naghintay kasi medyo late na nung mapansin kong nawawala pala eh.

Unang babae:           Ayos lang, mag ingat ka na lang sa susunod, mauna na din kami.

Ako:           Sige salamat po ulit sa inyo.

(Yan talaga ang aktwal na paguusap namin, tanggalin mo lang yung Ganda at Sexy, kasi Ms. lang talaga yung tawag nila sa akin nun)

 

Pag kaalis nung 3 mababait na babae, sabay dating ng kaibigan ko at iniabot ko kagad yung pera sa kanya. Nakwentu ko din yung nangyari kaso nagmamadali na ako kaya di rin nagtagal yung naging pag uusap namin.

Ngaung umaga, habang nasa byahe papasok, naalala ko yung naipangako ko kay Jesas. Para matupad ko yun klangan di muna ako mag bubukas ng plurk. Kaso di ko rin nakayanan, sabi ko sisilip lang ako, pramis, silip lang talaga. Kaso mali ang naging hakbang at desisyon ko. May isang plurk na bumungad agad sa akin at nagpasira agad ng araw ko and the rest is history.

…patawad po, bawi na lang ako bukas. PRAMIS!