LHAY

United We Stand Divided We Fall September 28, 2009

It’s sad that sometimes it takes calamities & tragedies to unite a country…but its also amazing how this has revealed all the selfless people and overwhelming too to see people who help their fellow man especially in times of need, not only in the Philippines but also in the whole world. Big help also to those people trying to spread the news  online on how to donate cash and relief goods through Facebook, Tumblr, Plurk and Twitter. Mahirap, Mayaman. Artista , Politiko, pati na rin mga animals.

 tumblr_kqnv8vsaYT1qzp63zo1_500

 

(more…)

 

Mamimiss kita September 23, 2009

Filed under: Dagdag Impormasyon,Hinaharap,Kasalukuyan — lhay @ 5:35 am
Tags: , ,

Mamimiss ko yung mga araw na kasa-kasama kita, for 3 years nasanay akong andyan ka lagi, ang pagdampi ng mga labi ko sayo bago matulog hanggang pagkagising ko sa umaga. Nandyan ka palagi sa oras ng kasiyahan at kalungkutan. Napaka kulay ng buhay mo, kahit buwan buwan ka lang magpalit ng damit, naliligo ka naman araw-araw at napakabango mo pa rin, sa buong tatlong taon walang sablay yun. Pero sinaktan mo ako, di lang isa pero maraming beses na. Pero sa kabila ng lahat ng yun pinatawad pa rin kita. At dumating na nga ang takdang araw na kelangan na natin mag hiwalay, masakit para sa akin ito pero kailangan, alam ko yun ang makakabuti para sa ating dalawa para gumaan na rin ang pakiramdam ko. At gusto kitang pasalamatan dahil sa 3 taon nating pagsasama, inalagaan mo ako mabuti. Di kita makakalimutan mah breizes.

300px-Dental_braces

Buti na lang meron agad sumoporta sa akin sa pag alis mo ng sa ganon di ako masyadong mangulila,  salamat mah retainer.

retainer

 ‘chos !

 

December 8, 2007 September 14, 2009

Filed under: Araw-Araw,Kahit Ano lang,Mga Nakaraan — lhay @ 10:03 am

September pa lang ng 2007 ina-announce na sa Orbit na mag shoshow daw ang Eat Bulaga sa Abu Dhabi ng December 8 ng taon ding yun. Alam ko masyado ng matagal para ngaun ko lang sabihin ang mga toh, nagkataon lang kasi na naghahalungkat ako ng files at sa di inaaasahang pagkakataon may mga pictures pala ako sa event na yun na ngaun ko lang din nakita, mag 2 years na rin halos ang nakalipas at pagkakita ko sa mga larawan na yun, biglang bumalik sa akin ang mga ala-ala, sariwang-sariwa pa…..

Pag ka announce sa TV, tumawag agad ako sa kaibigan ko sa Abu Dhabi para bumili na agad ng tiket kasi panigurado mauubusan kami sa dami ng gustong pumunta, sa halagang 50 Dhs (600-700  pesos , depende sa palitan) di na masama. Nagpakalat ako sa email sa mga kaibigan kong nais pumunta, 15 lahat ang pumayag, napakarami, may mga tumanggi pa nun ha ? Yung mga tumanggi naman ay yung mga taong sa kaparehas na petsa ay balak naman pumunta sa palabas na inorganize ng ABS-CBN para ipangtapat sa GMA, ang Rakrakan ! Puro mga banda naman ang mag peperform gaya ng Parokya ni Edgar, Bamboo etc.

 Gusto ko rin pumunta nun, nagkataon na hapon ang EB at gabi ang Rakrakan, pwede pa ako umabot.

Alas 5 ang show ng EB, tanghali pa lang nag punta na kami ng AD sa kaibigan namin, pagkapananghalian, inaya ko na sila pumuta sa location ng EB kasi panigurado mahaba ang pila, kelangan mauna kami sa upuan. Mga bandang alas-2 ng hapon  ng makarating kami sa location, SHET!!! Hangdami na agad tao, “mga Adik” naisip ko! Siguro madaling araw pa lang mga tumambay na sila dun. Pagkapasok sa loob ng lobby, pinaghintay pa ang mga tao, di pwedeng pumasok sa loob ng Auditorium ng wala pang alas-5, mahaba habang tayuan din dahil kahit nag hihintay na kami sa loob, nakapila pa rin kami papasok.

Di ka naman din mabuburyong, labing lima kaming lahat, kami na ata ang may pinaka maingay ng grupo nun, ako, tahimik, nagmamasid masid lang. Sa pagmamasid ko sa loob, may mga sumasaydlayn! Yung ibang organizer ng event na yun, mga nagtitinda ng biko, turon, palitaw, lumpia,value meal, soft drinks, buchi (mah peyborit) etc. ayos! Di ka nga naman magugutom sa loob kahit maghintay ka, ineexpect na nila na dudumugin ang palabas kaya nagtayo na rin sila ng mini groceries sa loob, Nakalapag lang ang lahat ng paninda nila sa isang mesang puti, tapos may prinint lang sila sa isang A4 size paper ng mga pangalan ng mga tinitinda nila at ang katumbas na price.

Tapos may mga grupo na may mga dalang banner, isa-isa kong binasa ang mga nakasulat: “Eat Bulaga, Welcome sa UAE” , “Bossing, ang gwapo gwapo mo talaga, pakiss” , “Bossing, papalitan ko na ang asawa ko, para lang sayo” tapos ito ang malupet “Bossing, dito ka na lang bi-visahan kita” tapos pagsilip ko kung sino ang may bitbit, isang baklang naka kuntodo make up na may headban na puti tapos naka fit na pants na color green at naka baby tee na color white. NYEEEEEE!!!

Pagsapit ng alas 4 ng hapon, sobrang dami na ng tao sa loob ng lobby, dahil glass wall, kitang kita mo rin ang mga tao sa labas, di na muna pinapasok sa loob , dahil madami na rin kami, di kakasya!!! Maswerte pa pala kami. Maya-maya lang may mga taong nag hihiyawan, nagsisigawan, nag sisipulan at nagpapalakpakan. Yung grupo namin nagtaka, anong meron? Busy kasi sa pag tsitsismisan. Ayun naman pala, sumilip daw si Joey De Leon mula sa pintuan sa taas. Hmmmkei, kala ko naman kung ano na.

Mabuburyong na ako sa pila, umalis ako sa grupo para libutin ang buong Lobby, pumunta ako dun sa lugar na di masyadong matao sa may bandang likod. Nakita ko may hall way, at sa pinakadulo nun may pintuang kahoy na kulay pula. Tumingin muna ako sa paligid, ng makita kong walang nakatingin sa akin, tinuloy ko ang paglakad papunta sa pulang pinto. Naisip ko wala atang ibang nakapansin ng pinto na yun. Sari-sari na ang pumapasok sa isip ko kung anong meron sa likod ng pintong pula. Baka dressing room ng mga artista, or di kaya ng EB Babes, swerte ko pagnagkataon!

3 hakbang na lang maabot ko na ang doorknob ng pintong pula. “sana hindi nakalock” paulit ulit na dasal ko habang humahakbang ako papalapit. Nung maabot ko ang doorknob, pinihit ko pakaliwa, SHET!!! Nakakandado! Pinihit ko pakanan, ayun! Nai-ikot ko at narinig ko na may mumunting tunog na CLICK mula sa likod, naka unlock na ang pinto! Yes! Unti unti at tahimik kong binuksan ang pinto para makita ko ang….

  (more…)