LHAY

SHORTCUT & PINK April 4, 2010

Filed under: Araw-Araw,Kasalukuyan — lhay @ 10:02 am
Tags: , , ,

Nakakatuwang balikan ang mga nakalipas at nakakawiling isipin ang mga nagdaan. Lalo na nung college. Gimiks, out of towns, professors, the university itself, schoolmates, and friends. Kung tatanungin mo ako kung alin ang mas masaya, Hischool or College. Walang pakundangan kitang sasagutin ng – COLLEGE. SYEMPRE!!! Masaya din naman ang Hischool life ko, dun ko naman kase nakilala ang firstlove ko tska isama na rin natin yung mga experience sa JS Prom, Foundation Day, Linggo ng Wika, etc. Pero hindi matatalo nyan ang mga naging experience ko nung college.

Nitong mga nakaraang araw lagi kaming online ng mga kaibigan ko nung college. We’ve been friends for almost a decade and I can say na lalong tumitibay yun pagkakaibigan namin. But hmmmn that’s what I thought… ‘chos!

Marami kaming pinag uusapan everyday, minsan kung ano-ano na lang din yung topic namin para lang din may mapag kwentuhan kami.. Hanggang sa may napansin ako sa 2 kong kaibgan na itago na lang natin sa codename:  Shaider & Recca.

Si Shaider di pa rin nagbabago especially when it comes sa pagsulat nya ng mga words. Laging shortcut, ok gumamit ng shortcut sa SMS pero sa Email? Na-ah! Pero di naman sa nahihirapan akong basahin yung mga shortcut nya and di naman din sa pang aano, pero para sa akin, hindi ako pabor na gumamit ng shortcut sa email. Pwede pa siguro yung mga word na “KSI for KASI” or “BZ for BUSY” kumbaga every sentence may isang shortcut na word lang. Pero kung ang buo mong pangungusap at buo mong kwento ay shortcut ang bawat salita, parang di na makatarungan yun sa taong magbabasa. Ito ang example oh:

“hoi mga frnds, nbuhay aq kya nw lng nkpgrply,hehe.ac2li,mejo ngng bc dhl ksma s pgackso ng aswa ng pgalis nya.pro nba2sa q mga email nu, d lng aq mkpgrply kc dn ngmit mdalas,hehe.nweis,aq nman ang mhbng rply now,hehe, kelan b tau mgk2ta-kta d2”

Minamigraine ako pagkatapos kong basahin. Para sa akin kahit sa kaibigan mo pa ipapadala ang ganyang klase ng pagkakabuo ng bawat salita at bawat pangungusap ay maituturing na di makatarungan.

Si Recca naman gumamit ng kulay pink sa kanyang font. Para ulit sa akin ang tamang kulay lang na ginagamit ay black, blue and red. Yung ibang kulay, kalandian na lang yun. Ang kulay na pink ay para lang sa bulaklak and oh para din pala sa underwear.

Against silang lahat sa akin, ba’t ko daw ba pinapakilamanan yung kulay at kung paano sila magsulat. Sa totoo lang, wala akong pakilam, ang sa akin lang naman, nilalabas ko lang kung ano ang opinion at saloobin ko, madami ang nag react, ba’t daw kung sumagot ako sa mga email eh parang mainit ang ulo ko. Naman! Natawa ako… at napa-isip… ngaun ko lang napagtanto na kahit 10 years na kaming magkakaibigan, hangang ngaun di pa pala nila ako lubos na kilala. Guys, anuverrr, di nyo ba na gets? Wag nga kayong masyadong mag-ano-ano dyan. Nang-ookray lang ako! Sos yang mga yan!