Ito ay hindi lang sa lalaki huwag na kayong magpilit na pumunta dito sa Dubai.
Kung titingnan natin sa magazine at mga lathalain dahil ang Dubai ay talagang pinagaganda lalu upang marami pang maakit na mga turista.
Walang exceptions basta pagkakakitaan nila…. Recruiter, fixer, agent, 2nd agent, 3rd agent, at marami pang iba. Ang malakas na pinagkakakitaan ng syudad na ito ay ang turista. Nandito sa Dubai ang lahat ng kasamaan, maswerte ka kung nauna ka na at nakapwesto ka na ng magandang trabaho.
Sa pandinig at sa mata maganda ang Dubai, pero ang loob ng Dubai pag nandito ka na diyan mo na makikita ang lahat ng kasamaan, nakakaawa ang ating mga kababayan na pinagsasamantalahan ng ibang lahi, at pati na din ang ating kalahi na nagsasamantala din ng mga maliliit nating kababayan dito sa Dubai. Kung mahina ang loob mo at babae ka ang bagsak mo ay “secret prosti” , “on call prosti” pikit mata mong tatanggapin pinakaiiwasan mo sa ating bansa yun pala ay sa Dubai ka magiging ganun.Nandiyan na may mag ooffer sa iyo ng kuwarta sisimulan ka sa malaki dahil nanagugutom ka na kakagatin mo na.Wag nating sabihing professional tayo dahil kahit professional dito ay talagang hirap sa paghanap ng trabaho malakas dun ang Pana wala tayong panalo sa Pana dahil monopolized ng Pana ang Dubai. Kahit walang alam ang Pana basta may kapit sa loob ikaw eh graduate ka ng university sa atin tapos eh talagang qualified ka eh matatalo ka pa.Mahirap ang buhay s Dubai lalu’t wala kang relatives,marami sa ating mga kababayan ang napapriwara ang buhay tinatanggap na lang dahil kumbaga subo na sila.
Kaya lublob na kung lublob basta kikita sila ng pera bahala na ang sabihin ng ibang tao. Marami akong kaibigan ……………salamat naman at napabuti silang lahat dito sa Dubai.
Nandiyan din ang mga iba’t ibang lahing prostitutes sa mga hotel nagkalat sila na pulos wala ding mga trabaho. Indian, Bangladeshi, Indonesia, Malaysian, Russian, Iranians, all nationality, wag ko ng ituro kung saan, basta in
every floor level ibang nation ang nakatira.
Magingat sa mga taong kunwari ay nagmamalasakit sa iyong pagpunta dito sa Dubai.Tutulungan ka nila dito sa Dubai pero sila din nag maglulubog sa iyo sa Kumunoy unti –unti. Dun pa lang sa Pinas magsisimula na Kalbaryo mo sa mga piranang taga-Immigration. Pigil ng pigil sa Pinoy na papunta sa Dubai lalo kung Visit Visa hawak mo. Pero kapag may P10,000 ka para sa kanila (kahit lumang cellphone papatulan nila), papalusutin ka at mag bibilin pa ng gustong pasalibong ang mga patay-gutom na yun. Kala mo may ibibigay na trabaho sa Pinas, ayaw hayaang magbakasali ang tao e. Basta maayos ang papeles dapat wag ng harangin. Ngayon mai-imagine mo na pag uwi mo sila rin yung mga nakatanghod sa dala mong pasalubong na gustong-gustong agawin at ibigay sa mga anak nila.
It’s high time na bansagan natin ang mga taga immigration ng PATAY-GUTOM, tulad ng pag bansag sa mga pulis na Buwaya, hayaan natin magsalin-lahi ang kabansagan iyan…sila rin ang dagdag gastusin sa mga aspirante sa Dubai.
Kung pupunta ka dito sa Dubai, magbasa ka muna tungkol sa Dubai at kumuha ng info sa mga galing na dito, mga nagtagumpay at mga nabigo. Ika nga experience is the best teacher…..Pero hindi ka dapat masiraan ng loob sa pag labas mo diyan sa bansang kumikitil sa iyo, sa pangarap mo at sa kinabukasan mo. Wag mong targetin ang Dubai lang, yung ibang bansa din bukod sa Dubai, dapat may option A, B, C, D….etc ka. Tandaan mo MAHIGPIT ang kumpetisyon dito sa Dubai… lalo sa Kapwa mo Pinoy! Sorry tayo…Pinoy tayo kaya maraming magagaling na Pinoy ang makakalaban mo sa hanapan ng trabaho…
Survival of the Fittest dito…ang talo uuwi ng luhaan at duguan. Aakitin ka kasi ng marangyang pamumuhay dito sa Dubai kaya maiisip mong isiksik ang sarili mo. Pero kung wala kang diskarte at plan A, B, C, etc.. wala ka ring espasyo dito. Ang mga pasyonista at elitista na sa magasin mo lang makikita, ordinaryo lang dito. Magmumukhang lata yung ITIM na Limousine sa Pinas na may plakang 1 pag itinapat mo sa mga kotse sa dito. Magmumukhang katulong ang bida sa soap opera sa TV pag tumabi sa mga expat ng Dubai.
Kaya lang parang may nuclear naman po pag napuno ng pana (indyano), pakistani at iba pang itik ang bus na sinasakyan mo. Ang baho talaga! Tapos iba pa ng tabas ng bibig nila, parang saliwa ang dila kasi di mo maintindihan inglis nila. Kung sa Pinas alaskado ang Bumbay pag dumadaan, dito ikaw ang alaskado sa mga Bumbay! Pag wala ka ng makain, wag kang basta mamimingwit, may tamang lugar dito at kumukuha rin ng permiso, bawal ang hulihin ang pusit, small crabs, small fishes basahin mo nalang meron nakalagay e. Pag wala kang pera wag kang sasakay ng car lift, para kang na-hold up… yun yung kolorum na taxi dun. Dapat lagi kang may xerox ng passport at visa sa bulsa ha. Mawala ka na, wag lang yung mga xerox. Tapos may dala ka ring ni-Red Ribbon ng DFA ha, bukod sa kelangan sa employer’s visa, baka maisipan mong mag immigrant e. Kung wala kang memory stick, sa folders mo sa email itago ang PDS mo.
Malamang itatanong mo alak…..para sa ating mga lasinggera(hik! hik!)…gud news….may alak kaso di ko ituturo ang bilihan (whahaha!). May nabibili dun sa liquor store pero residente lang at yung may lisenya dapat, board license ha. Yung Peso coin nga pala, magbaon kayo, kasi umuubra sa vendo machine ang galing hehehehehe, kaya pag coins out alam nilang naloko na naman sila ng Pinoy! (Pero don’t do this, bawal ito at masama, Consulate ng Pilipinas ang aako ng responsibilidad para dito).
Dapat marami kang baong skills at talents kahit isang supot na inglis lang ang dala mo. Alam mo ng magastos, wag mong hanapin ang masarap kung di pa kaya…and mga tol at pare, kailangan din ng GULANG ha. Ang papeles na kulang mo….atin-atin lang, sa computer tirahin.
Sa mga lalake jan, Wag mong pangarapin agad ang Al Rigga,kung lalaki ka, makakatikim ka rin ng Chinese, Russians at Morroca pag may maayos na job ka na.(haha) Spare mo na ang Pinay kahit sila ang first class…kababayan yan e. Sumunod sa batas kasi Arab country yun, di uumbra ang kabalatubaan na dala ng Pinoy dito.
Mas maganda kung stop over mo lang talaga ang Dubai, may ibang pakay ka. tandaan o ang talentong pinoy, legal o ilegal na plantsado uubra sa dito… galingan mo lang. Kasi kundi….sa www.orgkish ka na makikita hehehehehehe! Sa pinas pa lang kung may ENTRY PLANS KA, DAPAT MAY EXIT PLANS KA RIN DAPAT.
Ito ang higit sa lahat, pag mangungutang ka ng pera papunta sa dito…..wag ka ng magpapa-tulong sa mag asawang kumpare at kumare mo…sila ang gigipit sayo. Kahit alam pa nila ang sitwasyon mo dito, kasi sa kanila ang tubo e. Basta pera na ang kikitain mo dyan ka na kakanain ng mga ulol na kumare at kumpare mo…..lalo na kung nagsama ang parehong IL, bisaya at bikolano wala namang IL yun e, norte at gitna lang. Take Note: para sa akin lang yun ha, di ko nalalahat…..
Nasa Camp Victory sa Iraq yung lalaki. Kasama yan sa PAALALA sa pag punta
dito sa Dubai….TRAVEL ADVISORY ika nga!
Kahit saang parte naman ng mundo, me ganitong scenario. The thing is..why do Filipinos want to go abroad? To look for a greener pasture di ba?
Kalimutan nyo na ung Dubai movie, di totoo yun! Love story lang nun pede mangyari dito sa Dubai. First, be more intelligent when someone is offering you a VISIT VISA. From the word itself VISIT..walang kang trabaho, turista ka, ika nga. Don’t expect a job if you come to Dubai the first time. Wag na wag mong paniniwalaang me ganun style or sistema. Lokohan yun na maliwanag. Think of all ways in the world how to check the authenticity of your documents.
MY ONLY ADVICE IS… kung dyan sa Pilipipinas hirap kang makakita ng work at mahina ka talaga, wag ka ng mag-isip na mag abroad at mangutang ng pantustos.
Kung gusto mong sumugal, don’t expect anything good, expect the worst.In fairness to my friends, puro kapangitan ng Dubai ang sinabi nila sa amin.Ano yun? Eto..
Mababaho tao dito, pana, pakistani at local. Maiinis ka dahil naninikit bantot nila lalo na’t aircon lahat ng lugar!
Yes, maraming manyakis ditong ibang lahi kasi nga Asian girls at whites
lang naman ang pede nilang tingnan. Nakatalukbong kasi yung mga babae nila.
Maraming vacant jobs, but very very stiff ang competition. Mapupuno mo ang 50 leaves ng notebook kakasulat ng mga fax numbers at email address ng inaplayan mo pero di ka pa rin makakahanap ng work. Almost every day me interview ka, mauubos yung pocket money mo sa internet at pamasahe, pero di pa rin matatanggap.
Masikip ang higaan, bed space ka lang e. Pila pa sa CR at kusina.
Maaga ka dapat bumabyahe kasi me schedule ang bus at dapat alam mo kung anong number ng bus na sasakyan or else di ka makakarating sa pupuntahan mo. Kung mga 50 thousand pocket money mo, mag taxi ka! hehe..
Remember, you need to have a job within 2 months. 2 MONTHS LANG!
After two MONTHS ala ka PA RIN work, EXIT ka sa KISH, sa IRAN po yun! 1500 dirhams ang bayad plus sa hotel at food (PHP20000 sa pera natin) Depende kung gaano ka katagal mag-sstay dun. Ano meron sa KISH? Parang Ghost town! Kung nanonood ka ng horror movie na me lumalakad ng zombie..ganun! How about the Iranians? They will treat you like prisoners! Imaginin mo yung buhay sa loob ng city jail..ganun! Sabi nga nila, hindi ka nakarating ng Dubai kung hindi ka tumuntong sa Kish! O cge me visa ka na uli kaya balik ka na sa Dubai.
Hanap ka uli work, kung di talaga umubra yung CV mo, ang ginagawa ng ibang Pinoy, dadayain ang CV, kasi di naman hinahanapan ng certificate of employment. E magaling tayong mga pinoy jan sa dayaan, di ba? Yung iba, nakakapasok ng work..nabibigyan sila ng working visa. Yung iba, minamalas pa rin..kasi sa interview palang di alam isasagot e! kaya balik KISH uli after 2 months. Kung lalake ka, who wants to go to Dubai, magready ka for 3-5 exits bago ka magkawork.
(TAKE NOTE ULIT: Sa ngaun , iba na po ulit ang ruling about Visa, mas mahigpit na sila, marami silang binago at marami silang dinagdag, for more info just visit www.gulfnews.com)
Now, matigas talaga ulo mo..gusto mo pa ring pumunta ng DUBAI, check this website.. http://www.gulfnews.com at http://www.khaleejtimes.com. Ito yung dalawang newspaper na puro classified ads dito. Tingnan mo kung me job vacancies na pwede mong applyan. Pag wala kang nakita, WAG KA NG PUMUNTA SA DUBAI.
Then, what’s good about Dubai? Kapag legitimate Residence VISA holder ka na, medyo stable ka na. Naghihilik ka na pag natutulog. Medyo mayabang ka na nga kahit sa kapwa Pinoy mo pa.
Mura bilihin, 10 dirhams na meal, rich ka na. Lebanese restaurant na yun.
Bida ang girls sa public transport kasi me reserved seat ang mga babae, pedeng mong palayasin kung sino mang anak ni Adan ang nakaupo. Bus or taxi man.
You can’t earn in the Philippines what you could earn here in Dubai, walang deduction ang sweldo.
Air-condition ang Bus Stop.
You can afford to live in a condominium. Kahit small room lang. Aba! Nakaelevator, centralized aircon, minsan wall to wall carpet pa!
Madaling magkakotse. If your salary is 3500 dirhams per month, pede ka na sa AVEO CHEVEROLET, 400 dirhams per month after 6 months pa hulog, ang saya di ba?
Ang taxi dito, Toyota camry, puegeout, mercedez at audi. 3 dirhams unang patak, pag nagbayad ka ng 10 dirhams malayo na narating mo nun. 50 dirhams, puno na ref mo. Wag ka lang bibili ng beef at pork. May 25 dirhams na pants, 30 dirhams na shoes. E kung sa Mall of the Emirates ka mamimili or sa Battuta Mall, ubos ang isang buwang sweldo mo. If your salary is 4000 dirhams up, qualified ka magdala ng family.
Kung gusto mong matali sa Dubai at di na makalipat ng ibang bansa, mangungutang ka ng mangutang! Pag me bank account ka na, you can make a loan up to 10 times of your salary in 3 days. Credit cards? Madali, 3 days lang cardholder ka na. basta me RESIDENCE VISA ka.
Kung gusto mong maging citizen…? Mag asawa ka ng Local at magpaconvert sa muslim. Tapos, magtatalukbong ka na rin. whahahaha!
Is Dubai good as Tourist spot? May be yes.. pero sa ating mga Pinoy, ano maganda sa mainit na lugar. Para kang sa ilalim ng tambutso ng sasakyan yung temperature. Di mo na gugustuhing mamasyal pa. Kaya nga malls at supermarkets dito hanggang 2:00 ng umaga. Five times a day, me ingay kang maririnig yung pasyon na tono nila. Sus! Kaingay di mo makuhang matulog..
Ano gusto mo pa bang mag punta ng DUBAI ? Pag medyo minalas ka sa pakikipagsapalaran mo, wang kang manisi ng ibang tao. Ikaw ang gumagawa ng buhay mo.
AND always remember, you can’t do it alone, it needs courage, perseverance, intelligent mind and lot lot lot of PRAYERS to fulfill your dreams.
Edited by Lhay
Mga Nagpa-loko: